^

Punto Mo

EDITORYAL – Pati meal allowance ng bilanggo, kino-korap

Pang-masa
EDITORYAL � Pati meal allowance ng bilanggo, kino-korap

NABUNYAG sa pagdinig ng Senado na P39 lamang meal allowance bawat araw ng mga bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP) at Correctional Institute for Women. Naungkat ang meal allowance sa ginawang hearing kaugnay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Sa nabunyag na P39 lamang ang meal allowance ng mga bilanggo, lalong lumutang ang korapsiyon sa Bureau of Corrections. Nalaman ng mga senador na P60 ang nakalaang allowance bawat araw sa mga bilanggo. Hindi makapaniwala ang mga senador nang malaman na ganito kababa ang meal allowance ng mga bilanggo. Anong pagkain ang isisilbi ng ganito karampot na allowance? Sabi ng isa sa mga bilanggo na naanyayahan sa pagdinig, puro sabaw daw ang inihahain sa kanila. Kaya raw maraming maysakit na bilanggo ay dahil wala nang sustansiya ang kinakain. Hindi raw talaga makain ang pagkain na ginastusan ng P39.

Sabi ng isang caterer na nagsisilbi sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong, pinili raw sila ng BuCor na mag-provide ng pagkain sa mga bilanggo sa Correctional sa halagang P39. Nagsisilbi umano sila ng agahan, tanghalian at hapunan.

Nagulat naman ang mga senador nang sabihin ng caterer na babae na puwersahan silang pinag-trim down ng presyo para sila ang manalo sa bidding. Ang may pinakamababang bidder ang kinukuha ng BuCor.

Lubhang kawawa naman ang mga bilanggo na nabubuhay sa P39 na allowance sa pagkain. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming nabuburyong na bilanggo. Kulang na nga ang pagkain ay wala pang sustansiya. Ang kakulangan din sa pagkain ang dahilan nang pagra-riot ng mga bilanggo. Ugat din ito nang paglalaban ng mga gang.

May bago nang BuCor director sa katauhan ni Gerald Bantag. Isa sana sa solusyunan niya ay ang mababang meal allowance. Sibakin niya ang mga opisyal na pati allowance para sa pagkain ng mga bilanggo ay gustong ibulsa. Nararapat wasakin ang corruption sa BuCor. Sobra na ang ginagawang katiwalian na lahat ay pinagkakakitaan.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with