^

Punto Mo

6 day old baby boy, pasok sa belt bag

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

ISANG 43 years old na American national ang binitbit ng NAIA - NBI para imbestigahan at hindi pinasakay ng eroplano na maghahatid sana dito sa US of A via Narita, Japan, dahil tangka nitong pagpuslit ng isang 6 day old na sanggol going to America. 

Sabi nga, nasabat ito sa final boarding gate ng NAIA Terminal 3, yesterday morning.

Ibang klaseng modus ang ginawa ni Jennifer Erin Talbot, ang suspect sa diumano’y human smuggling.

Bakit?

 Ang sanggol na dala niya at isasama sana papuntang US of A, ay nabuko ng mga autoridad sa airport na walang travel documents kaya pala umisip ito ng bagong modus para maipuslit niya ang baby.

Ayon sa mga sumbungero sa NAIA, pumila si Talbot, mag-isa ng bandang 6 am sa NAIA T3 immigration departure counter ang sanggol na dala nito ay nasa loob ng oversized belt bag para ipuslit. 

Nang makalusot sa immigration officer ang ginawa ni Talbot ay inilabas naman niya ang sanggol at niyakap papasok ng final check in x-ray machine.

Sabi nga, lumusot dito!

Si Talbot, ay sasakay sana ng Delta Airlines flight 189, via Narita, Japan going to US of A.

Ayon sa kuentuhan sa immigration departure area, hindi nakitaan ng pagkabalisa si Talbot ng i-abot nito ang kanyang passport sa immigration officer sa departure area para mabigyan siya ng ‘exit clearance’ pero napag-alaman nang mahuli na ito ay umamin siya na ang  6 day old baby ay walang travel documents.

Kambiyo issue, ayon sa airport observers, paglagpas niya ng immigation counter ay inilabas niya sa kanyang dalang belt bag na doon nakasiksik ang bata at saka siya pumila sa final check in x-ray machine ng OTS dahil sa walang nakita sa bagahe niya pinatuloy ito sa final boarding gate.

Ayon sa mga airport observers, ng bumaba ito papunta sa final boarding gate para sa boarding time niya sa eroplano ay muli niyang ipinasok sa belt bag ang bata pero dito ay nabuko nia siya dahil ang hindi niya alam ay may ‘redundance’ pinaiiral ang mga US flights at idaan muli sa x-ray ang kanilang mga bagahe.

‘Walang dokumento ang sanggol kaya paghiningi ng airline staff ang passport at boarding pass ng pasahero ay mabubukong walang ganito ang sanggol na dala ni Talbot.’

Nang mabuko inilabas na lamang ang sanggol sa bagahe, niyakap at saka umupo na lamang si Talbot para antayin ang mga ahente ng NAIA - NBI na siya magsisiyasat sa kanya.

Gayunman, si Tablot ay isinama ng NAIA - NBI para sa masusing imbestigasyon samantala ang bata ay ililipat nila sa pag-iingat ng DSWD habang kinukunan pa ang una ng mga pahayag.

vuukle comment

NAIA

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with