^

Punto Mo

Pag-compute ng interes sa utang

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

May pinautang po akong kaibigan ko ngunit sa nakalipas na tatlong buwan ay hindi po siya nakakapagbayad ng buwanang hulog niya. Nagkasundo po kami na may interes ang inutang niya ngunit hindi po malinaw sa kontrata namin kung ang interes sa utang ay kikita rin ba ng interes kung sakaling hindi siya makapagbayad ng oras. Malaki-laki rin po kasi ang magiging halaga  kung magpapatung-patong ang interes kaya gusto ko sanang linawin kung magkano ang maari kong singilin sa kanya kapag pinadalhan ko na siya ng demand letter. --Janet

Dear Janet,

Ang iyong tanong ay patungkol sa compound interest o patong na interes hindi lamang sa principal na halaga ng utang kundi pati na rin sa interes na una nang kinita mula rito. Ayon sa Article 1959 ng Civil Code ay “(i)nterest due and unpaid shall not earn interest.”  Ang ibig sabihin nito ay hindi maaring magpatong ng interes sa interes na hindi pa nababayaran.

Hindi naman ibig sabihin nito ay ipinagbabawal na ng ating batas ang compound interest dahil may mga pagkakataong pinahihintulutan ito.

Ang isa sa mga pagkakataong ito ay nakasaad din sa Article 1959 kung saan pinahihintulutan ang compound interest kapag napagkasunduan ito ng mga partido sa isang kontrata. Kailangan lang na malinaw ang pagkakasaad nito sa kontrata dahil kung hindi ay mananaig ang general rule na hindi kikita ng interes ang hindi pa nababayarang interes.

Ang isa pa sa mga pagkakataon kung kailan pinahihintulutan ang compound interest ay makikita sa Article 2212 ng Civil Code kung saan nakasaad na kahit hindi napagkasunduan ng mga partido sa isang kontrata ang pagpapatung-patong ng interes ay kikita pa rin ng legal interest hindi lamang ang principal na utang kundi pati  na rin ang interest nito mula sa panahong nagsampa ng kaso ang pinagkakautangan.

Kasalukuyang nasa 6% per annum ang legal interest dito sa Pilipinas base sa Circular No. 799 ng Banko Sentral. Paalala lamang na ang legal interest ay hindi papatak kung nagpadala ka lang ng demand letter. Kailangang magsampa ka ng kaso sa husgado upang mag-apply ang legal interest sa utang sa iyo.

Sa sitwasyon mo ay kailangan mong basahin muli ang kontrata mo sa pinautang mo. Kung walang nakalagay ukol sa compound interest ay maari mo lamang siyang singilin para sa interes na napagkasunduan niyo at maari ka lamang magpatong karagdagang interes (6% legal interes) kapag nakapagsampa ka na ng kaso.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong legal na nakasaad sa kolum na ito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with