Lalaking basketball player, sinuspinde ng FIBA matapos lumabas na buntis sa drug test
MASASABING ang dahilan ng pagkakasuspinde ng American basketball player na si DJ Cooper ang isa sa pinakakaiba sa kasaysayan ng sport.
Sinuspinde si Cooper ng FIBA matapos magpositibo ang kanyang ihi hindi dahil sa droga o performance drugs.
Sinuspinde siya matapos mapag-alamang positibo ang kanyang ihi sa human chorionic gonadotropin, or hCG na isang hormone na nanggagaling sa placenta.
Sa madaling sabi, nagpositibo si Cooper sa pagbubuntis.
Ang isinumite palang ihi ni Cooper para sa urinary test ay galing sa kanyang girlfriend – na malamang ay walang kaalam-alam na siya ay nagbubuntis.
Dahil sa panlolokong ginawa, pinatawan ng suspensiyon si Cooper ng FIBA. Sa Hunyo 20, 2020 pa uli siya makakapaglaro.
- Latest