^

Punto Mo

Kuting, himalang buhay matapos manatili ng 3 araw sa engine compartment ng sasakyan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kuting ang himalang nabuhay sa kabila ng pa-nanatili sa engine compartment ng sasakyan sa loob ng 3 araw na tumakbo pa sa layong higit 270 kilometro bago ito nadiskubre.

Ayon kay Tish Elliot, una niyang nakita ang kuting na tumakbo sa ilalim ng kanyang sasakyan nang tumigil sila sa highway.

Nangamba siyang pumasok ang kuting sa engine compartment ng sasakyan kaya agad niya itong dinala sa isang talyer.

Pagdating sa talyer, wala namang nakitang kuting ang mga mekaniko sa engine compartment. Imposible rin daw na manatili ang kuting sa loob ng compartment dahil napakainit doon kapag tumatakbo ang sasakyan.

Dahil dito, kampanteng ibiniyahe ni Elliot ang sasakyan kung saan-saan.

Kaya naman gulat ni Elliot nang makalipas ang 3 araw, nakita niya muli ang kuting sa tabi ng kanyang sasakyan at katulad nang unang pangyayari, kumaripas muli ito sa loob ng engine compartment.

Sa pagkakataong ito, mga bumbero na ang hiningan niya ng tulong upang makuha ang kuting sa loob ng kanyang sasakyan.

Nagawa namang masagip ang kuting, na pinangalanang “Sid” mula sa pangalan ng mismong bumbero na sumungkit sa kanya mula sa loob ng engine compartment.

Sa huli, iniuwi ng isa sa mga bumbero ang kuting.

 

vuukle comment

ENGINE COMPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with