^

Punto Mo

Pinakamalaking human maple leaf, binuo sa Canada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bayan sa Ontario ang may maipagmamalaki na ngayon matapos silang makapagtala ng bagong record para sa pinakamalaking human maple leaf.

Halos 4,000 katao ang lumahok sa pagbuo ng isang higanteng imahe ng maple leaf sa isang park sa Trenton, Ontario noong nakaraang Sabado.

Habang suot ang pulang t-shirts, nagtipun-tipon ang komunidad doon upang punuin ang isang outline ng maple leaf na simbolo ng Canada at makikita sa gitna ng bandila ng nasabing bansa.

Isang kinatawan mula Guinness World Record ang naging saksi sa world record ­attempt at agad naman niyang kinumpirma na tagumpay ito.

Ang huling record holder para sa pinakama­laking human maple leaf ay naitala sa Grouse Mountain, British Columbia ng 1,589 katao, ayon sa website ng Guinness World Records.

Ayon sa organizers ng pagtitipon, 5,000 katao ang target nila, pero kahit bigo sila na marating ang nasabing bilang, nalamangan pa rin nila ang 3,942 katao ng  dating world record na naitala noong 2017.

vuukle comment

CANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with