^

Punto Mo

2,020 sunud-sunod na free throws, nai-shoot ng robot!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI man ito marunong magdunk, nakamamangha pa rin ang naipamalas ng  isang basketball robot na nilikha ng Toyota matapos itong makapagtala ng record para sa pinakamaraming sunud-sunod na free throws.

Nagtala ang robot ng bagong Guinness World Record sa pamamagitan ng pag-shoot ng 2,020 sunud-sunod na free throws.

Sinadya ng Japanese carmaker na gawing 2,020 ang free throws  ng robot dahil sa idaraos na Tokyo Olympics sa 2020.

Dahil sa nagawa ng robot, nakuha nito ang titulo para sa “Most consecutive basketball free throws by a humanoid robot (assisted).”

Hindi nagmimintis ang 6’10” na robot sa pamamagitan ng pagkuha ng imahe ng basket na nagiging basehan ng mga kalkulasyon nito bago itira ang bola.

Nang tanungin kung kailan kaya matututong mag-dribble ang mga robot, nagpahayag ang isa sa mga gumawa nito na maaring abutin pa ito ng 20 taon base sa pag-unlad ng teknolohiya.

vuukle comment

ROBOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with