^

Punto Mo

Mga produktong depektibo

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAKAILANG beses na ring nilalapitan ang BITAG Pambansang Sumbungan ng mga sumbong hinggil sa mga produktong depektibo.

Mula sa sardinas na may ulo ng daga, restaurant na may bubuwit ang ice tea hanggang sa mga softdrinks na nahaluan ng upos ng sigarilyo, alambre, plastic atbp. Mga produktong nakalusot sa quality assurance ng mga factory nito at umabot sa merkado.

Nitong Lunes, isang mag-asawa ang nakipila sa aming action center bitbit ang isang litro ng pang-masang softdrink. Lampas kalahati na ang laman nito.

Ang nabili niyang softdrink, masama raw ang lasa at makikitang may dumi sa ilalim nito. Sa kasamaang palad ay nakainom din ang kanyang mga anak.

Ang kanyang sumbong, paborito niya daw ang softdrink na ito subalit pangatlong beses na niyang naranasan na may foreign object ito sa loob.

Sa pag-uusap namin, halata ang psychological trauma at pagkadismaya ng ginang sa produktong matagal na niyang tinatangkilik.

Bakit hindi namin ipinalabas sa Pambansang Sumbungan online ang sumbong? Oo, masama ang naging karanasan ni Lola pero hindi agad nai-report sa barangay o sa pulis na nakainom ang kanyang pamilya ng maruming softdrink.

Wala rin naman daw pinsalang naidulot sa kalusugan nila ang pag-inom nito kaya naman hindi na rin niya naisipang magpasuri sa doktor. Kung walang pinsala, walang reklamo.

Nagiging maingat ang BITAG sa mga ganitong klase ng sumbong dahil maaaring maakusahan ang isang nagrereklamo ng pangingikil o extortion.

Lalo na kung hindi sapat ang ebidensiyang may pagkakamali ang kompanya ng produkto at nagdulot ito ng kapahamakan sa consumer.

Kadalasan, may mga produktong nakakalusot sa quality assurance ng hindi sinasadya. Parang tao rin, may depekto’t hindi lahat perpekto.

Kung minsan naman, iba ang motibo ng mga kostumer na nakakaenkuwentro ng ganitong sitwasyon. Sadyang nais lang pagkaperahan ang pagkakamali ng produkto.

Ilang beses nang muntik gamitin ang programang BITAG para sa kanilang personal na kapritso. Kung meron talagang pinsala o abalang nadulot, madali kaming lapitan para sa hustisyang dapat makuha.

Maaari kaming magbigay ng babala sa publiko na maging maingat sa pagbili ng mga produkto lalo na’t pagkain. 

Nasa BITAG ang babala, nasa publiko ang pag-iingat.

vuukle comment

SIGARILYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with