^

Punto Mo

EDITORYAL - Makabubuti ang dagdag na buwis sa yosi

Pang-masa
EDITORYAL - Makabubuti ang dagdag na buwis sa yosi

PINAAAPURA ni President Duterte sa mga mam-babatas ang pag-aapruba sa Senate Bill No. 2233 na magdaragdag ng excise tax sa sigarilyo. Kapag naging batas, dalawang mahalagang bagay ang makakamtan – una, marami nang titigil sa paninigarilyo dahil sobrang mahal nito at ikalawa, mapopondohan ang universal health care program, ng pamahalaan. Kaya nararapat nang maipasa ng Senado ang panukala para mabawasan ang mga naninigarilyo at madagdagan naman ang kaban ng pamahalaan.

Kapag naaprubahan, apat na taong sunud-sunod na magkakaroon ng pagtaas sa tax ang tobacco pro-ducts. Una ay sa Enero 1, 2020, kung saan ang tax sa bawat pakete ng sigarilyo ay P45; ikalawa ay sa Enero 1, 2021, P50 bawat pakete; ikatlo ay sa Enero 1, 2022, P55 bawat pakete at ikaapat ay sa Enero 1, 2023, P60 bawat pakete.

Sa taas ng tax, tiyak na magiging “ginto” ang bawat stick ng yosi. Sa kasalukuyan, ang isang stick ng mumurahing sigarilyo ay P5 bawat stick. Kapag ipinatupad ang dagdag na tax, maaaring maging P10 ang bawat stick o mahigit pa. Pagdating ng 2023, maaaring P20 o mahigit pa ang bawat stick ng yosi.

Kung tutuusin, kulang pa ang proposed tax na ito. Kung maaari, taasan pa para ma-discouraged ang marami lalo ang kabataan na magbisyo. Kung gagawing P100 ang bawat stick ng yosi, maaaring marami na ang tumigil sa nakamamatay na bisyong ito. Mahihirapan nang makabili ang mga kakaunti ang kinikita. Tanging mayayaman na kayang magtapon ng pera ang maninigarilyo. Kapag nangyari ito, marami ang maililigtas sa sakit mula sa paninigarilyo gaya ng cancer sa baga, atay, puso, at lalamunan.

Dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo, gumagastos ng bilyong piso ang pamahalaan sa mga pampublikong ospital. Kung wala nang magkakasakit dahil sa sigarilyo, ang pondong makukuha sa buwis ay maaari nang gastusin sa iba pang serbisyo publiko. Sa ulat ng World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon at maaaring lomobo sa walong milyon pagdating ng 2030.

Tiyak na may tututol sa pagtataas ng tax at una rito ang mga kompanya ng sigarilyo. Maglalabasan ang mga kung anu-anong dahilan na maaari raw lumala ang smuggling ng sigarilyo at magiging kawawa ang tobacco farmers. Hindi dapat pakinggan ang mga ito. Mas mahalaga na mailigtas ang mamamayan sa pagkakasakit dulot ng bisyong sigarilyo.

 

vuukle comment

BUWIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with