^

Punto Mo

Oil price hike, may boomerang sa mga pangunahing bilihin

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MAY price hike ang mga produkto ng petrolyo!

Sabi nga, today!

Mukhang P.80 to P1.00 ang additional sa presyo ng gasolina at diesel.

Dapat tandaan ng madlang pinoy na kapag nagbaba ng kati-ting na presyo ng mga produkto ng petrolyo tiyak kapag nauga ito siguradong halos doble ang itataas sa ibinabang presyo ng diesel o gasolina.

Ang mga lokal na mga kumpanya ng langis ay nagpapatupad ng fuel adjustment every Tuesday.

Sabi nga, ang diesel price ay naglalaro sa pagitan ng P43.34 hanggang P46.23 every liter samantala ang gasolina ay naglalaro from P52.85 to P59.81 per liter samantala P.40 ang taas singil sa kerosene per liter.

Ika nga, 6th straight weeks na ito!

Hindi ito makontrol ng gobierno dahil dikta ang pagtaas-baba ng international oil producers.

Ang problema nga lang kapag tumaas ang presyo ng langis may boomerang ito sa mga pangunahing bilihin at siempre sa pamasahe ng madlang people.

Ano ang mainam ngayong tapos na ang eleksyon kaya nangangamba ang madlang people na tumaas na naman ang bilihin sa merkado?

Siguro mas mabuti kung tatanggalan ng ‘excise tax’ ang mga produktong petrolyo para kahit papaano ay makatulong ito sa madlang pinoy!

Ano sa palagay ninyo?

Mas makakabawi ang gobierno at magkakaroon pa ng mataas na kita kung itataas ng husto ang ‘sin taxes’ tulad ng alak at sigarilyo na nakakasira ng ating kalusugan para umiwas na rin ang madlang people sa masamang bisyong ito.

Sabi nga, pag-aralan !

Abangan.

* * *

Sino sa 4 ang Speaker of the House

Nanalo si Davao del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez sa katatapos na eleksyon kaya naman mukhang gusto niyang muling bumalik bilang House Speaker sa Kongreso ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Masiado pang maaga para pagusapan ang mga bagay na ito pero may lihim na palang pustahan ngayon kung sino ang next House Speaker at papalit kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, na bababa na sa kanyang trono.

Sabi nga, tapos na ang term niya bilang kongresista !

Ang maglalaban-laban ay sina Taguig Rep. Alan Cayetano, Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at si Alvarez.

Malamang mahati ang mga kongresista na boboto sa kanilang mamanukin bilang ‘Speaker.’

Sino kaya ang liamado at dehado sa apat na kongresista ?

Maalala si Alvarez ay pinatalsik bilang ‘Speaker’ ilang minuto bago mag- SONA last year.

Sabi nga, si GMA ang pumalit dito.

Ano sa palagay ninyo sino ang susunod na ‘Speaker’ of the House ?

Pustahan na !

Abangan,

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with