^

Punto Mo

EDITORYAL - Nararapat nang matigil ang vote buying

Pang-masa
EDITORYAL - Nararapat nang matigil ang vote buying

NAGING talamak ang vote buying sa katatapos na election. Isang araw bago ang election, may mga nahuling namimili ng boto. Isang kandidato sa pagka-mayor ang inaresto ng mga pulis dahil sa vote buying at obstruction of justice. Marami ring naaresto sa Cavite dahil sa pamimili ng boto. Ayon sa Philippine National Police (PNP), daang tao na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang kanilang naaresto dahil sa lantarang pamimili ng boto. Hanggang sa huling araw ng pangangampanya, pilit na ginagapang ang mga botante at namumudmod ng pera upang masiguro ang panalo sa election.

Nakakadismaya naman ang sinabi ni President Duterte noong nakaraang linggo na nakaugalian na ang vote buying sa bansa. At hindi raw masama kung magbigay ng P50 sa botante para sa pamasahe patungo sa presinto at sa pag-uwi.

Kung ganito ang magiging katuwiran, malamang na hindi na matatapos ang pamimili ng boto sa bansa. Kahit pa sabihing namumudmod lang ng P50 para sa pamasahe, pagbili na rin iyon ng boto. Malaki man o maliit ang perang iniabot ng kandidato, binayaran pa rin niya ang boto. Isang simpleng paraan iyon ng vote buying. Sa mga nahuli sa Cavite, tig-P500 ang ibinibigay sa mga botante.

Ang ini-expect sanang marinig sa Presidente ay kinukondena niya ang vote buying at gusto niyang matigil na ang ganitong masamang praktis. Pero dahil sa sinabi niyang hindi naman daw masama ang vote buying dahil nakaugalian na, malamang hindi na matutuldukan ang masamang praktis na ito sa bansa kung panahon ng election.

Kung ganito rin lang ang pananaw ng Presidente, huwag nang lumikha ng mga batas laban sa vote buying. Sayang lang ang paghihirap para makalikha ng batas sa mga namimili ng boto. Dahil din sa pananaw na okey lang ang vote buying, hindi na mag-aaksaya ng panahon ang mga alagad ng batas na arestuhin ang mga bumibili ng boto. Bakit pa mang-aaresto kung ang Presidente naman pala ay payag sa nakasanayang ito.

vuukle comment

VOTE BUYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with