^

Punto Mo

Paliwanag ng PhilHealth sa libreng lab test at gamot

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAGPADALA sa akin ng mensahe sa pamamagitan ng email ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bilang reaksyon sa kolum ko noong nakaraang linggo, Mayo 5, 2019 na may pamagat na “Libreng reseta ni Dr. Willie Ong.”

Nilalaman ng mensahe ang isang bahagi ng kolum na nagsasaad na “isa sa adbokasya ni Dr. Willie Ong na, sana sa PhilHealth, ilibre na rin ang mga gamot at laboratory test na dapat isagawa kahit hindi naka-confine ang pasyente.”

Tinalakay ko kasi sa kolum ang ilan sa magagandang katangian ni Dr. Willie Ong bilang isang manggagamot na matagal nang tumutulong sa mga mahihirap. Kabilang din siya sa mga kumakandidatong senador ngayon at ang hinggil sa mga benepisyo sa PhilHealth ang ilan sa kanyang mga itinataguyod na isyu.

Pero, ayon kay Dr. Shirley B. Domingo, MD, vice president for corporate affairs ng PhilHealth, “sa kasalukuyan, binabayaran ng PhilHealth ang konsultasyon, chest X-ray at laboratory tests gaya ng lipid profile, complete blood count, urinalysis, fecalysis, fasting blood sugar, at iba pa sa ilalim ng aming Primary Care Benefit (PCB) package. Kabilang din dito ang libreng gamot para sa asthma, acute gastroenteritis, respiratory tract infection, pneumonia at urinary tract infection.”

Sabi pa ni Dr. Domingo, “ang PCB ay ipinatutupad na namin mula pa noong 2012 at mahigit 40 milyong kababayan natin mula sa indigent, sponsored at overseas Pilipino programs, kabilang ang kanilang mga kuwalipikadong dependents ang libreng nakikinabang mula sa health centers kung saan sila nakatala.”

“Noong 2018, pinalawak pa namin ang PCB at isinama ang mga gamot para sa diabetes at hypertension at ngayon ay pinakikinabangan na ng aming employed, senior citizens at lifetime members kasama ang kanilang kuwalipikadong dependents,” dagdag pa ng opisyal ng Philhealth.

Isang malaking bagay ang paglilinaw na ito ng Philhealth para sa kaliwanagan ng maraming mahihirap na Pilipino na nakikinabang sa mga serbisyo nito. Kaya naman ibinahagi ng kolum na ito ang kanilang panig na naglinaw sa usapin.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with