^

Punto Mo

Mga huling araw ng kampanya, tapos eleksyon na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bukas na ang huling araw ng kampanya, siguradong ratsada na ang mga kandidato sa mga huling oras nang panunuyo sa mga botante.

Malamang magmistulang piyesta sa araw na ito, dahil pagkatapos nito ay pahinga na muna ang mga kandidato.

Ngayon at hanggang bukas, sigurado marami ang magsasagawa ng meeting de avance. Huling paramdam, ika nga!

Dito di malayong magkasalubungan ang magkabilang panig, gaya nang nauna na nating paalala sana eh matapos ang panahon ng kampanya na payapa.

Wala nang masasaktan dahil sa mga iringan.

Sa Lunes naman, magkakaalaman na kung sino ang pinaniwalaan ng taumbayan sa kanilang mga ipinangako sa kampanya.

Baka ilang oras lamang matapos ang halalan malalaman na kung sino ang mga bagong manunungkulan.

Hangad natin na mairaos ang botohan nang mapayapa hanggang sa matapos ang bilangan.

Bagamat inaasahan na ang mga dating problema na kinakaharap ng mga botante tuwing halalan, sana ay malunasan ito sa maayos na paraan.

Aantabay tayo sa mga kaganapan sa mga huling araw ng kampanya, hanggang sa oras ng halalan.

vuukle comment

ELEKSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with