^

Punto Mo

Libreng reseta ni Dr. Willie Ong

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TAON 2007 nang una kong  makita nang personal ang maga-ling at mapagkawanggawang cardiologist na si Dr. Willie Ong. Madalas kasi siyang dumalaw noon sa tanggapan ng pahayagang ito at ng Pilipino Star NGAYON at The Philippine STAR na naglalathala ng kanyang mga kolum. Balingkinitan ang katawan, maputi, may katangkaran, malumanay magsalita at mapagkumbaba na hindi agad mapapansin ng sino mang hindi nakakakilala sa kanya na isa pala siyang dalubhasang manggagamot.

Hindi ko siya kilala nang personal pero nagkaroon ako ng malalim na impresyon sa kanya dahil naiiba siya sa ibang nakilala kong doktor. Halimbawa ay ang kusa niyang pagpapayo sa mga tao hinggil sa mga usapin sa kalusugan. Magugulat ka na lang sa mga isinisiwalat niya na hindi karaniwang maririnig sa ibang doktor. Nagpapayo siya halimbawa ng mga gamutan na hindi masyadong masakit sa bulsa ng pasyente. Isa siyang klase ng manggagamot na hindi lang ang kalusugan ng kanyang mga pasyente ang kanyang inaalala kundi pati na rin ang katayuang pinansiyal ng mga ito. 

Isa sa lagi kong natatandaan ang sinabi niya na magtabi ng mga medical record na naobserbahan kong epektibo dahil  napapadali ang pagsusuri ng isang doktor kung makikita niya ang iyong medical history. Isa rin itong paraan para maiwasang ma-confine sa ospital hangga’t maaari. Sa social media sa Facebook, nagkalat ang kanyang mga payo na sinusundan at tinutunghayan ng napakaraming Pilipino sa loob at labas ng bansa.  Sa bawat post niya, napakarami at napakahaba ng mga “like” at “comment” at “share” na hindi matapus-tapos ang pasasalamat ng mga nakakabasa sa mga natututunan nila sa kanya.

Sa mga kolum niya sa mga pahayagan, ibinabahagi niya sa mga mambabasa ang mga kaalaman na may kaugnayan sa kalusugan. Para kang nakakabasa ng libreng reseta ng isang duktor. Para siyang libreng konsultasyon.  Ganito rin ang epekto sa mga ipino-post niya sa Facebook na kulang na lang ay ibahagi sa lahat ang mga pinag-aralan niya sa kolehiyo na pinagkagastusan niya nang malaki.

Gayunman, sa kabila ng popularidad na ito ni Doc Willie, ibinabahagi niya sa kanyang mga newspaper column at sa Facebook ang mga opinyon at ibang mga kaalaman ng ibang mga kapwa niya duktor o espesyalista sa mga usaping may kinalaman sa medisina, kalusugan at mga sakit.

Kung tutuusin, mura lang naman ang consultation fee ng mga doktor. Pinakamataas lang marahil iyong P1,000 sa ilang mga espesyalista tulad ng mga brain surgeon at psychiatrist. Hanggang ngayon nga, meron pang naniningil lang ng P200 o P300 sa kabila ng mataas na gastusin sa pamumuhay. Ang talagang mahal ay ang mga laboratory test, maraming gamot at ang pagpapaospital na umaabot ng libu-libo o milyon ang  halaga at alam na alam ito ni Doc Willie. Kaya isa sa mga adbokasiya niya na, sana, sa Philhealth halimbawa, ilibre na rin ang mga gamot at laboratory test na dapat isagawa kahit hindi naka-confine ang pasyente. Merong punto ito dahil mawawalan ng saysay ang pagpapatingin ng isang pasyente sa doktor kung walang laboratory test na hindi nito magawa dahil walang pambayad.

* * *

Anumang reaksyon sa kolum na ito ay i-email sa [email protected]

vuukle comment

WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with