^

Punto Mo

EDITORYAL - Palitan ang MWSS officials

Pang-masa
EDITORYAL - Palitan ang MWSS officials

NGAYONG araw na ito dedesisyunan ni President Duterte ang kapalaran ng mga opisyales ng Metro­politan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ang mga opisyal na ito ang sinisisi ng Pre­sidente kaya nagkaroon ng water crisis noong naka­raang Marso 6 at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin. Nagbanta siyang sisibakin ang mga opisyales na nagpabaya sa tungkulin. Dapat noong nakaraang linggo pa nagdesisyon ang Presidente sa mga pabayang opisyales pero ipinagpaliban dahil pinag-aaralan pang mabuti. Binasa umano uli ng Presidente ang report na sinumite ng MWSS at ng water concessionaire Manila Water. Ang Manila Water ang nagsu-suplay ng tubig sa east sector na grabeng naapektuhan ng krisis.

Mas magiging katanggap-tanggap kung aalisin na ng Presidente ang mga nagpabayang MWSS officials. Hindi na sila dapat pang manatili sa puwesto sapagkat ipinakita na walang kakayahan na matugunan ang pangangailangan sa tubig ng mamamayan. Nang mawalan ng tubig sa Mandaluyong, Pasig at ilang bayan sa Rizal na sinusuplayan ng Manila Water, halos magpatayan ang mga residente sa pag-aagawan para makasahod. Hindi nila malaman ang gagawin sapagkat halos buong maghapon na wala silang tubig. Problemado ang mga magulang na nag-aaral ang mga anak sapagkat hindi malabhan ang uniporme. Apektado ang mga may negosyo.

At sa kabila na nagkakagulo ang mga residente, pabandying-bandying lang ang mga opisyales ng MWSS. Hindi sila gumagawa ng mabisang hakbang para maibsan ang nadaranasan na krisis sa tubig. Hinintay pa ang desisyon ng Presidente na buksan ang valve galing sa Angat Dam para may dumaloy sa mga tubo ng mga apektadong residente.

Itinuturong dahilan ang pagtama ng El Nino kaya nagkaroon ng kakapusan sa tubig. Bumaba ang level ng tubig sa mga dam. Pero ang problema sa El Nino ay noon pa nangyayari sa bansa. Bakit hindi ito napaghandaan ng MWSS at concessionaire mismo? Bakit kung kailan nasa may pintuan na ang krisis saka magkukumahog sa paggawa ng paraan. Dapat noon pa ay nakahanda ang MWSS sa ganitong krisis.

Dapat masibak ang mga pabayang MWSS officials. Hindi na sila karapat-dapat sa puwesto. Ilagay sa puwesto ang may mga alam at kakayahan.

 

vuukle comment

MWSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with