^

Punto Mo

Bilyong piso na utang ng STL operators, sisingilin ng PCSO!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

SAKIT sa ulo lang ang inabot ng mga opisyales ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa palaro na Small Town Lottery (STL), ayon kay PCSO director Sandra Cam. Halos bilyon na utang lang ang iniwan ng mga authorized agent corporation (AAC) sa PCSO at kalimitan sa kanila ay pinapaikutan lang ang gobyerno ni President Digong para kumita.

Kaya hilong talilong ngayon si PCSO chairperson Anselmo Simeon Pinili at Cam kung paano itataas ang kita ng PCSO dahil sa halos 40 percent na kikitain nila ay mapupunta na sa Universal Health Care program ni Digong. Naglaan kasi ng P8 bilyon si Digong para sa UHC at ang pondo ay manggagaling sa PCSO. Get’s n’yo mga kosa?

Inamin ni Cam na may aabot sa P5.2 bilyon na shortfall ang STL at kapag nasingil nila ito, aba kokonti na lang ang idadagdag nila para mapunuan ang UHC program ni Digong. Kaya’t abot-langit ang ngitngit ni Cam sa STL ­operators na hindi nagbabayad ng kanilang Presumptive Monthly Revenue Receipt (PMRR) at ipinangako niyang sisingilin ang mga ito sa kanilang pagkakautang. Araguuyyy! Hak hak hak! Nakakatagpo ng katapat ang mga deliquent STL operators kay Cam, di ba mga kosa? Tumpak!

Kinumpirma ni Cam ang matagal nang expose ng Supalpal na karamihan sa STL operators ay mga mistah nina dating PCSO chairperson Jose Jorge Corpuz at dating general manager Alexander Balutan, subalit ibang pangalan ang naka-front dito.

Ang ginawa ng mga mistah nina Corpuz at Balutan sa Philippine Military Academy (PMA) ay nilakihan ang PMRR ng probinsiya para makuha nila ang STL operations at “bahala na sila sa PCSO tungkol sa pagpatakbo nito.” Si Corpuz ay miyembro ng PMA Class ‘82 samantalang si Balutan naman ay Class ‘83. Ang ibinigay ng halimbawa ni Cam ay ang Charity Games ng Cagayan kung saan isang Army Gen. Villanueva ang lumutang sa kanya at nagpakilalang mistah niya si Balutan. Hindi pa nakabayad ng buong cash bond ang Charity Games at may utang na P600 milyon sa PCSO.

“Ayokong may nagpapakilala sa akin na mistah, mistah. Ang punto rito, bayaran n’yo ang dapat bayaran,” ang paggigiit ni Cam. Araguuyyy! Ang Propitous naman sa Rizal na malapit din sa PCSO official dahil sa isang babae, ay may utang na P700 milyon.

Kapag nasingil ang Charity Games at Propitous, aba maliwanag na P1.3 bilyon na ito at malaki ang maitulong nito sa UHC ni Digong, ayon pa kay Cam. Hak hak hak! Nasa tamang landas si Cam para gumanda ang takbo ng PCSO, di ba mga kosa?

Kaya naman nagkakainitan sila ni Balutan noon, ayon pa kay Cam ay dahil sa siya ang nasa committee on collections kaya’t kitang-kita niya ang listahan ng STL operators na hindi nagbayad ng PMRR. Kaya nagagalit si Cam ay dahil sa dami nilang bayarin, may pera naman subalit hindi nila masingil. Araguuyyy! Hak hak hak!

Kapag hindi nagbayad ng pagkakautang ang STL operators, aba baka bumagsak ang kita ang PCSO at ang maiwang kawawa ay ang UHC program ni Digong at iba pang kawanggawa project nila. Kaya dapat lang bilisan na talaga ng PCSO ang arbitration nila sa Globaltech para mag-operate na ang Peryahan ng Bayan at sa ganun madagdagan ang kita nila at hindi mapurnada ang UHC program ni Digong. Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with