^

Punto Mo

Pagsasampa ng kaso para sa paniningil ng maliliit na halaga, hindi na kailangan ng abogado

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Kinontrata po ako bilang karpintero ng aking kapitbahay para sa renovation ng kanilang tahanan. Napagkasunduan po namin na kapag nakumpleto ko na ang trabaho ay babayaran niya ako ng P60,000 para sa aking serbisyo. Sumunod naman po ako sa aming napag-usapan ngunit P10,000 lang ang ibinayad sa akin nang matapos ko na ang lahat ng trabaho. Marami siyang ibinibigay na dahilan kapag sinisingil ko na siya sa balanseng P50,000 na dapat niyang ibayad sa akin.

Ano po kaya ang dapat kong gawin? Nagdadalawang-isip po akong magsampa ng kaso dahil baka mas malaki pa sa utang sa akin na P50,000 ang magastos ko sa abogado.

-- Jason

Dear Jason,

Base sa iyong kuwento, hindi mo naman kakailanganin ang serbisyo ng isang abogado para magsampa ng kaso.

Mayroon na kasi tayong tinatawag na Small Claims Court. Ang Small Claims Court po ay korteng dumidinig sa mga kasong sibil na may kinalaman sa paniningil ng mga halagang hindi lalabis sa P300,000 (ayon sa OCA Circular No. 165-2018 na inamyendahan ang A.M. 08-8-7-SC).

Dinidinig ng Small Claims Court ang mga kaso ng paniningil ng mga halagang nakabase sa mga sumusunod na uri ng kontrata:

Contract of loan (pagpapautang)

Contract of lease (pagpapaupa)

Contract of service (pagbibigay serbisyo)

Contract of sale (bentahan)

Contract of mortgage (pautang na may kolateral)

Dahil isang contract of service ang pinasok mo sa iyong kapitbahay at nasa P50,000 lang ang iyong hinahabol, pasok ang sitwasyon mo sa mga kasong maaring dinggin ng Small Claims Court. Maari kang magsampa ng kaso sa Small Claims Court ng Metropolitan o Municipal Court ng lugar kung saan ka o ang iyong sinisingil ay nakatira.

Mahalagang malaman mo ang Small Claims Court dahil hindi na kailangang problemahin ang pagkuha ng abogado para sa mga kasong saklaw ng nasabing korte. Sa katunayan nga ay ipinagbabawal ang pagkuha ng abogado sa Small Claims Court at tanging ang mga partido lamang sa kaso ang maaring humarap sa husgado.

Upang mapabilis ang pagsasampa ng kaso, may mga nakahanda na ring mga forms sa mga Small Claims Court kung saan mo idedetalye ang basehan ng inyong sinisingil na halaga. Bilang iyong ebidensiya, isasama mo sa mga forms na ito ang kopya ng mga katibayan ng napagkasunduan mo at ng taong iyong sinisingil katulad ng mga kontrata o kaya’y mga promissory notes.

Nawa’y  nasagot ko po ng lubos ang iyong katanungan. Paalala lamang na ang payong legal na nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyon na  iyong inilahad kaya maaring mag-iba ito sakaling may ilang mahahalagang bagay na hindi ka nabanggit.

vuukle comment

SEBISYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with