^

Punto Mo

Sampung kuwento…na magpapatunay na marami pa rin ang may mabu­buting puso

Pang-masa

(Last Part)

8. Habang nakatayo ang pulis sa isang kalye sa Los Angeles California, napansin niya ang kotse na banayad ang takbo ngunit paekis-ekis. Pinahinto niya ang sasakyan. Babae ang driver at halatang lasing ito. Sa backseat, may kasama itong baby na umiiyak dahil naliligo na ito sa sarili niyang tae.

Dinala ng pulis ang mag-ina sa presinto. Habang hinihintay nila ang pagdating ng representative mula sa child protective services, pinaliguan ng pulis ang kawawang baby sa bathroom ng presinto na tumigil na sa pag-iyak at tawa nang tawa habang nilalaro ang tubig na ipinanliligo sa kanya.

9. Isang batang fan ng Maroon 5 na may Down’s syndrome ang sobrang na-excite pagkatapos siyang magpa-picture sa mga ito. Bigla siyang sinumpong ng panic attack kaya kinailangang ihiga siya sa sahig ng kanyang ina para marelaks. Nagulat ang ina nang biglang naghigaan sa sahig ang limang miyembro ng banda at tinabihan ang kanyang  anak. Nanatiling nakahiga ang mga ito hanggang sa umayos na ang pakiramdam ng bata.

10. Sa Turkey, isang lalaking regular na kliyente ng gym ang nakapansin sa isang batang chubby ang laging sumisilip mula sa glass wall ng labas ng gym. Pinapanood niya ang mga taong nagwo-work out dito. Napag-alaman ng lalaki na ang bata ay si Muhammad Hussein, isang 12-year-old Syrian refugee. Pinagkalooban ito ng gym ng free lifetime membership.

 

vuukle comment

PUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with