^

Punto Mo

Utol (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUMABA sila ng jeepney sa mismong gate ng Hacienda Jaime-Sofia. May malaking arko na nakasaad ang pangalan ng hacienda.

“Bakit Hacienda Jaime-Sofia, Xander?’’

“Pangalan ni Papa at kanyang asawa si Donya Sofia.’’

“Jaime pala ang pa­ngalan ng papa mo.’’
“Oo.’’

“E si Utol, ano ang pangalan?’’
“Gerald. Di ba nabanggit ko na sa’yo o hindi pa?’’

“Hindi ko matandaan.’’

“Malapit mo na siyang makilala.’’
“Malayo pa ba ang sa inyo, Xander?’’

“Malapit na. Mga 10 mi­nutes walk lang. Dati may mga traysikel dito na bumibiyahe pero mula nang ako ang mag-takeover sa pamamahala sa asyenda, binigyan ko ng trabaho ang mga traysikel drayber sa banana chips factory. Mas uunlad sila roon. Isa pa kaya ko inalis ang traysikel dito e nagdudulot pa ng air pollution. Sabi ko ibenta na lang nila ang traysikel at bibigyan ko sila ng trabaho. Kaya wala nang traysikel at malinis  na ang hangin dito.’’

“Ang galing ng naisip mo.’’

“Isa pa hinihikayat kong maglakad ang mga tao na nakatira sa asyenda. Exercise din. Masarap kasing maglakad dito dahil maraming puno at masarap ang simoy ng hangin.’’

“Tama ang naisip mo, Xander. Ang galing mo. Lalo tuloy akong na-in love sa ‘yo.’’

“Salamat Anna.’’

Maya-maya, natanaw na nila ang mansion.

“Ayun ang mansion!’’

“Malapit nga lang pala!’’

“Sabi ko nga sa’yo e. Tamang-tamang lakarin.’’

“Pinawisan na nga ako, Xander.’’

“Hayaan mo at bukas ay dito tayo maglalakad.’’

“Sige, Xander. Matagal na nga akong hindi nakakapag­lakad.’’

Hanggang sa marating nila ang mansion.

Pumasok sila sa mala­king gate.

Sinalubong sila ni Nanay Julia.

“Kumusta po Nanay?’’

“Mabuti naman Xander.”

“Nanay siya po si Anna, nobya ko.’’

Nagmano si Anna kay Nanay Julia.

“Si Utol po nasaan?’’

“Nasa loob. Magugulat yun. Hindi inaasahang uuwi ka na.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with