^

Punto Mo

Paglalantad sa narco-list, tuloy!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Desidido ang DILG na ilalabas ang mga pangalan ng mga pulitikong nasa narco-list bago maghalalan sa Mayo.

May mga paramdaman nga, anumang araw ngayong linggo ay ilalantad na ang listahan. Kabilang umano rito ang ilang kandidato na tatakbo sa midterm elections.

Maging si Pangulong Digong ay nagbigay na ng ‘go signal’ para maisiwalat ang listahan.

Hindi naman maitatagong kabado na ang ilang kandidato o politiko kapag tuluyan na itong naisapubliko.

May alam man o wala, mahirap nang mabura sa isipan ng marami na kabilang sila sa naturang listahan na nadadawit sa ilegal na droga.

Kaya nga ang panawagan ng ilan, dapat na lamang marahil na sampahan ng kaso ang mga ito, kung may matibay na ebidensya imbes na ibulgar lang at hanggang ganun na lang.

Isasabay pa umano sa nalalapit na halalan na sa tingin nila ay nahahaluan ng kulay pulitika.

Nauna na ring nagpahayag ang Commission On Election (Comelec ) na hindi nila mapipi­gilan ang mga awtoridad sa paglalantad at lalong hindi naman nila mapipigilan ang mga ito sa pagtakbo.

Ang PDEA naman ay tutol sa pagsasapubliko sa listahan at sa kanilang panig ay mas makabubuti ngang sampahan ng kaso ang mga ito kalakip ang matibay na ebidensya.

Katuwiran ng Malacanang at ng DILG, ang pagsasapubliko sa listahan ay para magabayan ang mga botante sa kanilang pagboto.

Pagkakataon na rin daw ng mga pulitiko o kandidato na idepensa ang kanilang sarili.

Bagamat may katwiran ang magkabilang panig, sa huli si ‘Juan dela Cruz’ pa rin ang siyang dapat na tumimbang sa kung kanino mabibilang ang kanilang boto.

May listahan man o wala, nasa kanila ang huling desisyon sa boto.

Huwag nga lang sana sa mga politikong personal na interes lang ang hangad at hindi ang kapakanan ng mga bumoto sa kanya.

Sila na ang kumilatis at kumilala sa pagbibigyan nila ng boto.

Anu’t-anuman magkakaalaman sa mismong halalan kung naka-impluwensya sa mga botante ang ilalantad na narco-list. Ito ang ating aantabayanan.

vuukle comment

MIDTERM ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with