^

Punto Mo

Hidden facts sa EDSA 1, ibinida

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SA loob ng 33 years up to now ay ginugunita pa rin ang 1986 People Power Revolution, kahit na may nagsasabing nilalangaw na ito.

Ika nga, hindi tulad noong unang saltada sangkaterba ang nagsasama-sama para gunitain ang ginawa nilang pagpapatalsik noon kay Apo Marcos.

Kaya naman dahil dito ay nahati ang mga politiko may iba’t-iba kasi silang paniwala at sinusoportahan.

Sabi nga, Marcos o Aquino?

Last Monday, ginunita ang 33rd year ng 1986 People Power revolution, kaya naman sangdamakmak ang nagtatanong kung may pagbabago bang nangyari noon up to now?

Kahit dalawang pamilya Aquino’s ang naging pangulo ay parang alaws nagbago sa takbo ng Philippines my Philippines.

Ang pagkakaiba at ang pinagbago sa Philippines my Philippines ngayon ay may internet at cellphones na. Hehehe!

Sabi sa libro ni Rigoberto Tiglao, regarding sa EDSA revolution malaki raw ang naging papel at kinalaman ni Juan Ponce Enrile, na dating sanggang dikit ni Apo Marcos sa nangyari noong 1986 pero si Cory, maliit lamang ang naging partisipasyon sa nangyari.

Ika nga, ang Reform the Armed Forces Movement, na kabig ni Enrile ang may malaking nagawa para pataubin si Apo Marcos at mga alipores nito. Isama pa natin ang panawagan ni Cardinal Jaime Sin sa madlang Pinoy at ang pagkampi ni Fidel Ramos sa mga nag-aklas.

Sa awa ni Lord, talsik ang sinasabing dating diktador.

Kambiyo issue, sabi ni Tiglao, si Marcos ang dapat bigyan ng malaking credit sa nangyaring ‘mapayapang’ revolution sa Philippines my Philippines dahil naiwasan ang pagdanak ng dugo sa araw ng bumagsak si Apo.

Bakit ?

Ayaw ni Apo Marcos, na magkaroon ng giyera patani noon at dumanak ng dugo.

Sabi nga, pinoy versus pinoy !.

Nang umalis sa Malacanang si Apo Marcos at ang pamilya nito, sabi ni Tiglao, mismo si Marcos ang nag-request sa mga kano na sa Ilocos Norte sa probinsiya niya siya dalhin..

Tirada ni Tiglao,  sa ilalim ng 1935 at 1973 Constitution, si Cory ay hindi daw qualified na tumakbo bilang Presidente ng Philippines my Philippines dahil kulang ito ng residency.

Bakit ?

May 10 years sila sa US of A nanirahan ni Ninoy pero sa puntong ito ay hindi nagreklamo si Apo Marcos noon.

Noon idineklara ng COMELEC na, si Marcos ang winner sa snap election porke may 1.5 million ang madlang botante ang bumoto dito. Samantala sa unofficial count ng NAMFREL noon si Cory ay lamang ng almost 500,000 votes sa kalaban niya.

Sa panalo ni Apo Marcos, dito na nagkahetot-hetot ang Philippines my Philippines dahil inumpisahan na ang revolution.

Banat ni Tiglao, pinondohan ng malaki ng isang pr company ng US of A ang campaign ni Cory noon?

Sabi nga, ang American political strategist firm ay Sawyer Miller.

Sabi ni Tiglao, confirm ito dahil sa mga documents at pagsunod sa Foreign Agents Registration Act.

vuukle comment

PEOPLE POWER REVOLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with