^

Punto Mo

‘Wangwang’ uso na naman sa lansangan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung ang Commission on Elections (Comelec) ay may ipinatutupad na mga regulasyon sa pangangampanya at maging sa campaign materials ng mga kandidato, eto ha, nagpaalala na rin ang pamunuan ng PNP sa mga political parties at sa mga kandidato.

Hindi lang basta paalala, kundi babala ang ibinigay ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa lahat ng mga kandidato at mga partido at sa kanilang mga supporters tungkol sa paggamit ng mga sirena o wangwang, blinkers at iba pang kahalintulad na devices sa kanilang mga campaign sorties.

Mahigpit na ipatutupad ng PNP ang probisyon ng batas ukol sa ilegal na paggamit ng wang-wang sa pangangampanya ng kandidato sa kanilang mga convoys at motorcade.

Ang grabeng ingay na dala ng mga ito ay madalas ding ireklamo sa mga bara-barangay.

Hindi pa yan bukod sa wangwang at blinkers, naku daig pa ang presidential convoy, may ‘hawi boys’pa ang ilan, yung bang nasa Quiapo pa lang ang convoy, hawi na ng mga ‘hawi boys’ ang trapiko hanggang Welcome Rotonda.

Ganyan katindi ang ilan, pati sa kampanya ay hari ng daan.

Kaya nga sa babala ng PNP ang lalabag sa Presidential Decree na ito ay mapaparusahan sa pamamagitan ng kanselasyon o revocation ng certificate of registration ng mga sasakyang sangkot.

Bukod nga dyan, umapela pa ang PNP sa mga kandidato at kanilang mga partido na sumunod din sa road safety protocol sa kanilang pangangampanya lalu na ang kanilang convoy at motorcade sa mga pangunahing lansangan para maiwasan ang aksidente at hindi maapektuhan nang husto ang ibang motorista.

Sa kautusan ni Gen. Albayalde, ang Highway Patrol Group ang siyang naatasan na mahigpit na magpatupad sa probisyon ng PD No. 96, ito nga yung pagbabawal sa paggamit ng wang-wang at iba pang kahaintulad na devices sa kampanya ng mga kandidato.

Kagaya nga ng inihayag kamakailan ng MMDA, kailangan maipaalam man lang sa kanila ang mga isasagawang motorcade ng mga kandidato, lalu na nga at dadaan ang mga ito sa mga pangunahing lansangan.

Aba’y sa tindi na ng trapik sa kapuluan at sasabay pa ang mga ito nang walang pasubali, mas matinding kalbaryo ang tiyak na mararanasan ng marami nating mga kababayan.

Baka sa inis ng mga yan, di pa kayo iboto, lalu na kayong naloko.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with