^

Punto Mo

Ang mangungutang

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PAGKARAAN ng mahigit na ilang dekada, naging bisita ko si Hilda. Dati ko siyang kakuwentuhan sa school na pinasukan ng aming mga anak. Naka­kasabay ko siya sa pagsundo ng anak namin na nasa elementary noon. Nag-umpisa iyon sa ngitian, tapos nagkakuwentuhan hanggang sa naging mag­kaibigan. Kaming dalawa ay nadagdagan ng isa pang kakuwentuhan na nang magtagal ay naging kaibigan din namin, si Madel.

At home na kami sa isa’t isa nang magsimulang mangutang si Hilda kay Madel. Mas pinili niyang utangan si Madel dahil sa kanyang tingin ay mas mapera sa akin si Madel. Paulit-ulit ang pangungutang na napakatagal bago mabayaran. Minsa’y napikon na si Madel at pinagsalitaan si Hilda nang mag­tangka ulit itong mangutang:

“Sorry hindi na kita mapapautang. Ang tagal mo kasing magbayad. Ang ipinauutang ko sa iyo ay pambayad ko rin sa aking mga obligasyon. Kapag pumalya ka sa pagbabayad, nagkakaroon ng chain reaction. Pumapalya rin ako sa pagbabayad ng sarili kong utang.”

Simula noon ay ako naman ang binuliglig ni Hilda na mautangan. Pinau­tang ko noong una pero hindi na siya nakaulit ng pangalawa dahil napakatagal magbayad. Tumabang ang relasyon namin sa kanya. Simula nang ilipat ko sa ibang school ang aking mga anak, hindi na kami nagkitang tatlo.

Tapos isang araw, iyon nga…biglang kumatok sa aming bahay si Hilda. Pagkakita ko pa lang sa mukha ay kinutuban na ako. Tiyak kong uutangan ako ng babaeng ito. Nahulaan ko lang dahil ganoon pa rin ang kanyang “aura”—aura ng paghihikahos. Hindi na kami nagkamustahan nang matagal dahil diniretsa agad ako na manghihiram siya sa akin ng pera. Naisip ko: Hindi na nahiya sa akin. Pagkatapos ng napakahabang panahon nang ‘di pagkikita, dinalaw lang niya ako para utangan.

May nabasa akong tip kung paano mo tatanggihan ang isang nangungutang na bistado mong balasubas. Ini­latag ko sa kanya ang mga gastusin ko kung saan ang emphasis ay sa medicine expenses ko.

“Ang extra money namin ay hindi ko magagalaw dahil nakalaan iyon para sa emer­gency expenses.”

Iyon lang at nagpaalam na si Hilda at hindi na bumalik kahit kailan. Basta’t huwag kang magsasalita na wala kang pera para lang tanggihan ang isang nangungutang. Mahirap nang subukan ng tadhana at totoong mawalan ka ng pera.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with