^

Punto Mo

NAIA heightened alert

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAKA-HIGHTENED alert ang mga authorities sa NAIA matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa madlang people sa hearing mass sa Jolo, Sulu, the other day.

Inutos ni MIAA General Manager Ed Monreal, na manmanan 24/7 ng mga miembro ng Airport Police, PNP - Aviation Security Group ang lahat ng paligid ng paliparan para mapigilan ang mga magtatangkang maghasik ng kaguluhan sa paliparan.

Sa lalong madaling panahon dapat mahuli ng mga autoridad ang mga nagpasabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 20 people kabilang ang mga civilian, militar at pulisya kaya naman may nag-alok ng paunang pabuya na P500,000 para sa makakapag-turo o ikahuhuli patay man o buhay ng mga bombers.

Nagulantang ang madlang Pinoy ng mabalitaan at mapanood ang nangyaring malagim na dalawang beses na magkahiwalay na pagpapasabog sa simbahan ng Mt. Carmel Cathedral sa Jolo.

Sabi nga, gawain ng mga terorista!

Malamang itaas pa ang reward money para mapadali ang paghuli sa mga salarin.

Kambiyo issue, lalong hinigpitan ng BI - NAIA Travel Control Enforcement Unit ang kanilang monitoring sa sindikato ng human trafficking at  mga fake passports.

Inatasan ni Erwin Ortanez, hepe ng TCEU ang kanyang mga terminal heads na sina Danieve H. Binsol, ng NAIA T2, Bien Guevarra, ng NAIA T1 at Glen Comia, ng NAIA T3, na higpitan ang pagmamanman sa mga kamoteng ito.

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with