^

Punto Mo

Pinakamahal na tsaa sa mundo matatagpuan sa China at nagkakahalaga ng $77,000!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GUSTO n’yo bang makatikim nang pinakamahal na tsaa sa buong mundo? Matatagpuan ito sa Sichuan Province, Southwestern China. Ang isang kilo ng tsaa ay nagkakahalaga ng $77,000!

Alam n’yo ba kung bakit napaka-mahal ng tsaa na ito? Kakaibang fertilizer kasi ang ginamit dito at sinasabing napakaperpekto ng lasa. Bukod pa sa may medicinal value ito.

Ayon sa Chinese entrepreneur na si Yanshi An, nag-produce ng napakamahal na tsaa, gumamit siya ng tae ng panda para magkaroon nang magandang resulta ang kanyang proyekto. Si Yanshi ay dating teacher ng calligraphy sa Sichuan University.

Sinabi ni Yanshi na bumili siya ng 11 tonelada ng tae sa panda breeding center bilang pasimula ng kanyang negosyo.

Nagkaroon ng ideya si Yanshi na mahusay ang tae ng panda bilang fertilizer sa tea sapagkat inaabsorb ng panda ang 30% ng kinakain nitong bamboo at ang natitirang 70% ay kanilang itinatae.

Ang bamboo na kinakain ng panda ay katulad sa green tea na may cancer preventative. At kung 70% ng bamboo ay itinatae ng panda, siguradong cancer preventative ang kanyang mga tea.

Ganoon man, hindi raw lahat ay pera ang hanap ni Yanshi, gusto rin niyang makatulong sa kalikasan at maprotektahan ito. Gusto niyang mawala ang mga chemical fertilizers at mapalitan ng mga natural ferti-lizers gaya ng tae ng panda.

vuukle comment

FERTILIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with