^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang kai-kaibigan o ka-frat sa corrupt

Pang-masa
EDITORYAL - Walang kai-kaibigan o ka-frat sa corrupt

MAGANDA ang pagkakaroon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sapagkat maaari nang imbestigahan ang mga miyembro ng Gabinete na nasasangkot sa korapsiyon. Sa mga nakaraang administrasyon, walang ganitong komis­yon. Sa ilalim ng PACC, iimbestigahan ang mga opisyal na naaakusahan ng korapsiyon at kapag natapos na ang imbestigasyon, saka isusumite kay President Duterte ang rekomendasyon.

Pagpasok ng 2019, tatlong Cabinet officials ang nabulaga ng PACC. Ayon kay PACC chairman Dante Jimenez, isinasailalim nila sa fact-finding inquiry si Labor Sec. Silvestre Bello III, dating Customs Commissioner at ngayo’y TESDA Director General Isidro Lapeña at National Commission on Indigenous People Chairperson Atty. Leonor Oralde-Quintayo. Ayon sa PACC, may mga reklamo ng katiwalian sa tatlong Cabinet officials kaya iniimbestigahan.

Sabi naman ni Presidential spokeperson Salvador Panelo, walang sacred cows sa Duterte administration. Wala raw kai-kaibigan, kamag-anak, kaalyado, ka-frat – basta nagkasala, mapaparusahan. Hihintayin umano nila ang resulta ng imbestigasyon at kapag guilty, aaksiyon agad ang Presidente rito.

Sabi naman ni Bello, wala raw siyang alam na nag-iimbestiga ang PACC. Handa umano siyang harapin ang anuman sa sandaling sabihan siya ng PACC ukol sa alegasyon sa kanya. Wala pa raw namang complaint laban sa kanya. Wala namang reaksiyon sina Lapeña at Oralde-Quintayo ukol dito.

Sabi noon ni President Duterte, may maamoy lamang siyang singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan ng pamahalaan, masisibak agad ang opisyal. Kaya ang payo niya sa mga public official na naaakusahan ng korapsiyon, magbitiw na ng kusa para hindi na niya ipahiya.

Totoo naman ang sabi ng Presidente. Sinisibak agad niya ang opisyal na inaakusahan ng katiwalian. Noong nakaraang taon, marami siyang sinibak na opisyal.

Ngayong 2019, maaaring marami pa ang masibak dahil mayroon siyang naaamoy na katiwalian. Sana nga. Matutuwa ang taumbayan sa ganitong aksiyon na walang kai-kaibigan o ka-frat kapag sangkot sa korapsiyon. Sana rin, huwag na niyang ibabalik sa puwesto ang mga sinibak.

vuukle comment

PACC

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with