^

Punto Mo

Naaksidente si Empleyado, matik ang pananagutan ni Amo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKAKABUWISIT sa bansa natin dahil maraming employer ang tumatakas sa pananagutan sa kanilang mga tauhan. Marami kasing salawahan at hayop na mga negosyante rito sa Pilipinas.

Kung hindi dudugasan ang mga empleyado sa pagbabayad ng benepisyo at kapit na patalim sa sahod eh mga walang konsensiya naman kung ituring ang mga nadisgrasya habang nasa oras ng trabaho.

Sa ibang bansa, naka-standy by lang ang emergency fund kapag may aksidente, halimbawa ay ang Amerika na pinanggalingan ko rin. Kapag may injury, may danyos na makukuha ang empleyado.

Sa trabaho, kahit anong ingat mo, pag minalas magkakaroon talaga ng aksidente lalo na kung ika’y at the wrong place at the wrong time. Kaya nga dapat naka-ready ang pondo ng kompanya in case of accident and emergency.

Dito sa sarili nating bansa, susmaryosep ipaglalaban mo pa bago mo makuha. Lumuhod ka muna, lumuha ng dugo  at halikan ang mababahong paa’t wetpaks ng employer.

Kung gusto mo talaga, magdemandahan muna kayo sa Labor at sa korte. Akala mo naman ay napakalaking halaga at milyones ang hinihingi.

Katulad ng maintenance welder na naipalabas namin noong Lunes sa Kilos Pronto, naaksidente sa trabaho at halos maubos ang daliri sa kaliwang kamay. Kinukuha ‘yung bakal na panggawa niya ng martilyo pero nahagip siya ng exposed na industrial fan.

December 20, 2018 nangyari ang aksidente. Hugas-kamay ang kompanya sa responsibilad dahil hindi naman daw nila empleyado ito dahil sa ilalim ng agency itong pobre.

Tumulong naman ang agency sa mga proseso ng insurance at SSS claims ng pobre. Hanggang doon lang, na halos wala ring nangyari dahil ibinayad sa gastusin sa ospital.

Ang tanong ng manggagawa may pananagutan ba ang kanyang kumpanya kahit ikaw ay hawak ng agency? Lalo na sa mga trabahong ganito, mga manual labor na takaw aksidente.

Hindi ako nagmamagaling. Pero sino ba naman ang di maaawa at maaantig ang puso. Kapiranggot na suweldo bilang welder, putol na apat na daliri ang kapalit.

Oo nga, nakapag-claim siya ng sickness o disability claim sa SSS pero ang natamo niyang pinsala, permante na.

Oh, ‘yung mga mambubutas natin diyan sa Senado’t Kongreso na butas-butas ang ginagawang mga batas. Ang mga batas natin, dapat pinagtatanggol ang mga manggagawa.

Puro imbestigahan kayo diyan na wala nang katorya-torya, ginagawa n’yo nang tsubibo ang taumbayan sa mga sarswela niyo.

Palakihan na lang kayo ng mukha diyan at paramihan ng talsik ng laway sa camera. Batu-bato sa langit sana mabukulan nang malaki!

Ang sinasabi ko, ito dapat ang tingnan ng mga nasa lehislatura. Lalo na kapag ikaw ay bagito sa kumpanyang pinagtatrabahuan. Matik, may pananagutan dapat ang may-ari kapag ikaw ay nasa loob ng establisyamento o pagawaan.

Hindi pupuwede ‘yung wala na lang pakialam. Hugas kamay… kesyo mamatay ka’t mangisay, bahala ka sa buhay mo. Lalo na kung sa agency ka lang naman… napakadaling palitan.

vuukle comment

EMPLEYADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with