^

Punto Mo

Jueteng sa Albay, ‘close-open’!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT alamin ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kung ang mga suspect sa ambush-slay nina AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at bodyguard na si SPO2 Orlando Diaz ay sangkot din sa iba pang kaso ng patayan sa Albay.

Kung titingnang maigi kasi mga kosa, kung si Batocabe nga na isang sikat at magaling na politician ay hindi natakot ang mga suspect na paslangin, eh ano na lang ang mga ordinaryong tao? Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, mga dating NPA at sundalong Army ang mga suspect kaya sanay na silang pumatay.

At ayon sa mga kosa kong mga gun-for-hire, nakakaadik din ito. Araguuyyyy! Ano sa tingin mo kosang Joel Maguiza Sy Egco Sir? Si Egco kasi mga kosa, ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), ang tumututok sa kasong pagpaslang kay broadcaster Joey Llana at iba pang media sa buong bansa.

At hiniling ni Egco kay Chief Supt. Arnel Escobal, PRO5 director, na busisiin din kung may kinalaman sila sa kaso ni Llana sa Daraga, Albay noong Hulyo. Kasi sa ngayon, parang loro kung kumanta ang mga suspect na sina Henry Yuson, Christopher Naval, Rolando Arimado, Ammanuel Rosello, Jaywin Babor at Daniel Muella na lahat ay tinuturo si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na mastermind kay Batocabe! Araguuyyy! Hak hak hak! Mukhang nakaahon na rito si Baldo ah.

Ang masama pa nito, ang slugs at empty shells na nakuha kung saan inambus sina Batocabe at Diaz noong Dec. 22 ay nag-match sa baril ni Yuson, ayon kay Albayalde. Para sa kaalaman n’yo mga kosa, ang lahat ng baril na lisensiyado ay na-test fire sa Firearms and Explosive Division (FEO) ng PNP kaya may naiwang sample ang PNP dito.

Kaya ang nakuhang basyo at slug sa lugar kung saan binaril si Batocabe at Diaz ay inihambing dun sa hawak ng FEO at nagkatugma nga sa caliber .40 ni Yuson. Ayon kay Yuson, pagkatapos ng krimen, dinistrungka niya ang baril at itinapon sa tubigan. Subalit swak na siya sa natuklasan ng PNP, di ba mga kosa? Araguuyyy!

Sa ngayon, inaayos na ni CIDG director Chief Supt. Amador Corpuz ang kasong double murder at multiple frustrated homicide laban kay Baldo at sa mga suspect para isampa sa prosecutor’s office sa Albay. Kahit abot-langit ang pag-deny ni Baldo mukhang mahihirapan na siyang makaahon dito, ano sa tingin n’yo mga kosa?

Kasi nga, lalabas na word ni Baldo laban sa anim na suspects, na puro naka-payroll sa local government ng Daraga. Hak hak hak! Bahala na ang korte magdesisyon dito kay Baldo at mga bataan n’ya, di ba mga kosa?

Kasabay naman sa pagpaslang kina Batocabe at Diaz ay nagsara ang jueteng nina alyas Mangga at Jojo Bernardo sa Albay. Sinabi naman ng mga kosa ko sa Camp Crame na inaayos na ang pagbukas ng jueteng sa Albay at ang bagong bangka ay si Jun Moriones, ang front ni Don Ramon Preza, ang bangka ng jueteng sa Laguna. Hehehe!

Puwede nang premyo kay Escobal ang pagbukas ng jueteng sa Albay dahil sa paglutas niya ng Batocabe ambush-slay. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with