^

Punto Mo

Maging paladuda, mag-ingat sa mga illegal recruiter!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMING namamatay sa tiwala. Gasgas na dahilan na ang “nagtiwala” kaya nabibiktima ng samu’t saring modus.

‘Wag na ‘wag kayong magtitiwala agad sa mga nag-aalok ng trabaho abroad, lalo na kung di n’yo naman kakilala. Kapag inaya kayong mag-abroad nang hindi dumadaan sa tamang proseso, magduda na kayo. Illegal recruiter ang kausap n’yo.

Sana sa pamamagitan ng column na ito, mabawasan ang mga biktima ng illegal recruitment. Tulad ng isang ginang na lumapit sa aming action center, naengganyo sa trabahong alok ng “kaibigan” sa Dubai.

Nakipagtransaksyon sa tao, hindi sa agency. Madaling usapan sana kung agency ang inirereklamo, Kilos Pronto susugurin namin kasama ang mga alagad ng batas. Kaso hindi.

Ang siste, direct hire na raw siya sa Dubai. Hindi na kailangang dumaan sa mga recruitment agencies. Turo pa ng mga dorobo, tourist visa ang gamitin. Patay kang bata ka.

Kumagat ang ginang at nakapaglabas ng P35,000. Mabuti na lang hindi natuloy kundi katakut-takot na pang-aabuso ang sinapit niya.

Sa lintik na direct hiring, maraming buhay ng OFWs ang nagkakanda-leche. Papasok ng bansa bilang turista tapos TNT ang labas.

Kung madisgrasya ka sa ibang bansa, lalabas ka na undocumented. Kapag maka-encounter ka ng mga manyakol at tumakbo ka sa mga alagad ng batas, mabubuko ang status mo sa bansa.

Biktima ka na ng krimen, makukulong ka pa tapos walang agency na sasaklolo sa iyo. Wala kang karapatang magtrabaho ibang bansang dahil di ka dumaan sa tamang proseso.

Paalala ni BITAG at pati na rin ng gobyerno, dumaan sa tamang recruitment process. Para oras na mapahamak, protektado kayo ng agency at ng estado. At para alam namin kung sinong putok sa buho ang lalatiguhin.

Maging paladuda sa lahat ng oras. Ang taong paladuda, gagawa ng hakbang para mag-imbestiga. Magsusuri muna at magtatanung-tanong bago sumunggab. Alam kung too good to be true ang alok o lehitimo.

vuukle comment

ILLEGAL RECRUITER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with