^

Punto Mo

‘Like’mo ba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NOONG isang araw lang bago mag-Pasko, isang kakilala ang nag-post sa Facebook ng hinggil sa pagkawala ng isa niyang anak na babae. May dalawang araw na niya itong hindi nakikita. Maraming FB friend niya ang nag-comment na nagpapahiwatig ng pag-aalala at pagdarasal para sa kanyang anak. May mga nag-like at share rin na daan para kumalat ang kanyang post at maraming makaalam. Pagkaraan marahil ng isa o dalawang araw, meron siyang bagong post sa FB na nagsasabing nagpapasalamat siya na nakita na niya ang kanyang anak. Hindi malinaw o walang detalye kung paano nakita ang kanyang anak pero maaaring dahil sa usapin ng privacy kaya hindi na niya ito dinetalye sa publiko sa pamamagitan ng naturang social media. Gayunman, nagpasalamat siya sa tulong ng FB na nakita niyang muli ang kanyang anak.

 

Pero kasabay nito, nag-post siya ng mensahe na nagsasabing “Iyon bang hindi binabasa ng mga tao ang kung ano man ang kanilang nila-like nang iposte ko ang pagkawala ng anak ko, marami ang nag-klik ng like. Nakakatawa, di ba? O like ba talaga nila o simpleng hindi nila binasa. Isip muna bago kayo mag-click.”

 Meron namang dumipensa na mas mainam ang like para mas mabilis makarating sa mas maraming tao. Sa ganito nga namang pagkakataon, mag-iisip pa ang isang tao kung ano ang ikokomento niya. Iyon lang naman ang puwedeng gawin bukod pa sa comment at share.

Iyon ang tila kahinaan o kakulangan sa mga feature na iyan ng Facebook na tila nagiging bahagi na ng buhay ng sinuman. Wala nang ibang puwedeng awtomatikong reaksyon sa mga lumalabas sa wall sa FB kung hindi Like, Unlike, Share at Comment bukod pa sa mga emoji. Paano na nga naman ang mga seryosong insidente tulad sa mga nawawala o namamatay na tao, mga kaguluhan, krimen, trahedya, at iba pang mga sensitibong sitwasyon. Kakatwa nga namang i-‘Like” ang mga ito.

May punto naman ang kaibigan natin. Tila nga naman hindi binasa at inintinding mabuti ang kanyang post. Iba kasi ang dating kapag ni-‘like’ mo ang isang post ng pagkabahala, pagdurusa, kalungkutan, pag-aalala, kasawian at kabiguan ng isang tao. Parang nagustuhan mo ang kanyang sitwasyon o kalagayan!

-oooooo-

(Anumang reaksiyon sa kolum na ito ay maaaring i-email sa [email protected])

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with