^

Punto Mo

Sermon ni BITAG sa pasaway na empleyadong magdyowa

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAMI sa BITAG, tinatanggap namin lahat ng dumarating na sumbong. Kesyo mayaman ka o simpleng mamamayan. Basta’t siguraduhin niyo lang na kayo ay nasa tama at nasa katwiran.

 Kung magrereklamo kayo ng pang-aabuso tapos wala naman kayo sa lugar, hindi tayo magkakasundo. Ibang aksyon ang aming gagawin, taliwas sa gusto niyong mangyari.

Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. Paano ko kayo maipagtatanggol kung wala naman kayo sa tama?

Reklamo ng magdyowang janitor sa isang ospital, mababa ang kanilang suweldo at walang incentives tulad ng holiday at overtime pay. Apat na taon nang naninilbihan ang dalawa, sa ilalim ng isang agency, pero kulang-kulang P400 kada araw lang ang kanilang kita.

Unang nagpasaklolo sa labor. Matapos magreklamo, hindi na raw pina-duty ng bisor kinabukasan kaya sa amin na tumakbo.

Tinawagan ko ang inirereklamong bisor para mag-imbestiga. Dito na lumabas ang tinatagong baho ng dalawa.

Kung bastos ang pakikitungo mo sa bisor mo, ‘wag mong asahang maganda ang trato sa iyo ng kumpanya. Mahalin mo ang trabaho mo at tratuhin mo mga katrabaho mo, lalo na mga bisor mo, kung paano mo tratuhin ang sarili mo. It’s the golden rule.

Problema, kapag kinakausap ng bisor, binabastos at tinatalikuran. Akala mo ka-lebel lang ang kausap. Pawang mga empleyado lang naman ang dalawa. 

Sa isang kumpanya, may pinuno at may mga namumuno. Mayroong istraktura. May nasa itaas at mayroong nasa ibaba.

Ang mga nasa itaas, binibigyan ng respeto at paggalang ng mga nasa iba. At ganoon din sa mga nakatataas… vice versa. 

Bukod sa pagiging bastos, inirereklamo ang dalawa dahil ang gusto palaging magkasama. Hindi naman puwede iyon. Sa totoo lang, bawal nga dapat ang magsiyota sa isang kumpanya dahil maapektuhan ang trabaho.

Madali lang resolbahin ang reklamo nila sa sahod dahil kasangga naman nila ng labor. Mas malaking problema ang kanilang ugali sa trabaho.

Wala silang karapatang magdikta na para bang mga boss at entitled sa trabaho. Lumipat man sila ng ibang kompanya, kung ganyan pa rin ang siste, magkakaproblema. 

Mabait ‘yung bisor at napakiusapan naming tanggapin uli ang dalawa. Bumalik lang sila at humingi ng patawad. ‘Yung reklamong sahod, madadaan na ‘yun sa magandang usapan.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with