^

Punto Mo

Mga pasaway na tauhan, tutukan nang ‘di masampolan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sunud-sunod ang nagiging pag-aksyon ng PNP sa kanilang hanay indikasyon na talagang seryosong walisin ang mga ‘pasaway’.

Kabilang nga rito ang pinaigting na ‘one strike policy’ sa mga chief of police at unit commanders na masasapol ng command responsibility ng mga pasaway nilang tauhan na masasangkot sa mga katiwalian.

Ayan na nga, pinakahuling nasampolan  si dating Las Piñas City Police na nasibak sa pwesto kasama  ang 36 pang pulis na nakatalaga sa  Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Nasangkot sa pangongotong ang apat na pulis sa lungsod sa kaanak ng isang inarestong drug suspect at sa paggamit sa isang 13-anyos na totoy na ginawa nilang kubrador at siyang nahuli sa entrapment operation.  

Command responsibility ayon kay NCRPO  Director Guillermo Eleazar sa pagkakasibak sa pwesto kay Sr. Supt. Marion Balolong bilang chief of police ng Las Piñas City.

Maging ang buong pwersa ng  SDEU sa pangunguna ng hepe nito na si Senior Inspector Edgardo Tigbao ay inalis din sa pwesto.

Ipinagpauna na ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na pinalawak ang ipinatutupad nilang ‘one strike policy’ sa  pwersa ng kapulisan sa buong bansa sa mga chief of police at unit commander na ang mga nasasakupan o tauhan ay madadawit sa mga ilegal na gawain.

Katunayan ito na seryoso ang pamunuan ng PNP na mawalis sa hanay ang mga pasaway.

Maging babala na rin ito sa mga commanders para masubaybayang mabuti ang gawain ng kanilang mga tauhan.

Nauna nang nanghingi ng halagang P200,000 mula sa pamilya ng drug suspect na si  Cyrus Glema Ligutan, taga Silang ang apat na mga pulis Las Pinas na sina  PO3 Joel Lupig; PO2 Vener Guanlao at PO1s Mark Jefferson Fulgencio at Jeffrey de Leon kamakailan. Nagtawaran at bumaba sa P30,000 ang perang hinihingi ng mga suspect.

Lingid sa kanilang kaalaman nagsumbong sa mga awtoridad ang pamilya ng dinakip na suspect at inihanda ang entrapment operation.

Nang kukunin na ang nasabing halaga isang  13-anyos na batang lalaki na siya tuloy ang nadakip ng mga alagad ng batas.

Walang kinalaman ang kanilang hepe, na siyang nadamay sa kalokohan ng mga tauhan.

Sa nasabing polisiya, ika nga ng pamunuan ng PNP ‘tauhan mo, bantayan at tutukan mo’, na kung hindi posisyon mo ang nakasalalay sa kalokohan ng mga ito.

Sibak agad sa pwesto, walang na raw second chance.

 Katwiran ng PNP chief matagal na nila itong tinagubilin, nakapag-isyu na rin ng memorandum ukol dito, pero mistulang marami pa ring pulis ang nadadawit sa matitinding katiwalian . Ibig lang daw sabihin nito, hindi raw nasu-supervise nang husto.

Bukod pa nga rito ang pagkakadawit ng ilang pulis sa kaso ng panghahalay kundi sa kanilang dinakip at sa kaanak ng kanilang dinakip kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Kung saan nasampolan din nang pagsibak ang kanilang hepe na nadawit sa kalokohan ng mga tauhan.

Kaya nga bilang babala sa mga hepe at unit commanders, subaybayang maigi ang mga tauhan nang ‘di madamay.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with