^

Punto Mo

Sa Laguna ay may jueteng din!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

LUMAMPAS na sa 100 katao ang naaresto ng Laguna police sa kampanya laban sa jueteng mula noong birthday ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde noong Nov. 8. At mukhang wala pang kasiguruhan na hihinto ang bataan ni Sr. Supt. Eleazar Matta, provincial director ng Laguna, sa kampanya niya laban sa illegal gambling. Kung sina Matta at Chief Supt. Gregorio Lim, director ng Northern Police District (NPD) ay pinapawisan at seryoso sa kampanya laban sa jueteng, bakit sina Bicol PNP director Chief Supt. Arnel Escobal; Sr. Supt. Milo Pagtalunan, PNP provincial director ng Albay at Chief Insp. Ronnie Fabia, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng probinsiya, ay hindi maiangat ang kamay na bakal nila sa jueteng ni alyas Mangga sa bakuran ni Albay Gov. Al Francis Bichara? Hehehe! Tanong lang po! Ang usap-usapan sa Camp Crame noong Nov. 8 ay nagpalabas na ng kautusan si Albayalde na lipulin ang jueteng ni Mangga subalit hindi naman kumikilos sina Escobal, Pagtalunan at Fabia. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, paano kikilos si Fabia kung ayon sa mga kosa ko ay tumatanggap siya ng P15,000 weekly payola mula kay Mangga. Siyempre, kung may P15,000 si Fabia, alam n’yo na siguro kung magkano ang para kina Escobal at Pagtalunan, di ba mga kosa? Nagngingitngit si Albayalde ayon sa mga kosa ko, dahil na-relieve na niya si Pagtalunan sa Makati City subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa natuto. Hak hak hak! May kalalagyan kaya sina Escobal, Pagtalunan at Fabia kay Albayalde? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Dahil sa pag-raid sa mga ilegal bookies sa Laguna, napatunayan na naman na ginagamit lang ng mga gambling lords ang Small Town Lottery (STL) ng PCSO para linlangin ang liderato ni President Digong. Sinabi ng mga kosa ko sa Laguna na ang mga naaresto nilang kubrador, checker, kabo at iba pa ay walang sapat na ID mula sa PCSO, wala ring uniporme at higit sa lahat dalawang lastillas o listahan ng taya ang nakumpiska. Iginiit pa ng kausap ko na kung ang draw ng winning combination ng PCSO ay tuwing alas kuwatro ng hapon, aba paglampas ng naturang oras na nagre-remit ang ilang kabo sa mga teller’s booth. Hehehe! Alam kaya ng PCSO ito? Dapat gawan ng paraan ng PCSO na ma-plug ang loopholes na ito bago maging huli ang lahat, di ba mga kosa? Tumpak! Kasi sa naririnig ng Supalpal, sumasadsad na ang ingreso ng mga authorized agents sa PCSO kaya’t lumiliit din ang tulong nila sa mahihirap na mga Pinoy, di ba mga kosa? Hak hak hak! Ipinagyabang pa naman ni President Digong ang mga tulong ng PCSO sa mahihirap subalit nitong nagdaang mga araw ay puro negatibo na ang mga naririnig na komento ng mga kamag-anak ng may sakit!

Hindi na ako nagtataka kung bino-bookies ang STL sa Laguna dahil ginagawa rin ito sa Caloocan City kung saan ang authorized agent ay si Don Ramon. Sound familiar ba mga kosa? Subalit sa Laguna, ang kubransa ni Don Ramon sa apat na bola ng bookies niya ay aabot sa P15 milyon. Kung susumahin mo sa isang buwan, mahigit sa P300 milyon ang kubransa ni Don Ramon sa bookies ng STL o jueteng sa Laguna subalit ang nire-remit lang niya sa PCSO, ayon sa mga kosa ko ay P120 milyon lamang at mas malaki ang nilalabanan niya sa jueteng. Get’s n’yo mga kosa? Kaya hindi nakakabayad si Don Ramon ng tinatawag na Presumptive Monthly Revenue Receipt (PMRR) n’ya sa PCSO, na umaabot na sa milyones. Kung ginagawa ito ni Don Ramon, hindi nalalayo na ang iba pang authorized agents ng STL ay nagbo-bookies din kaya’t hindi nila mabayaran ang milyones nilang PMRR, di ba mga kosa? Hindi ko lang alam kung may «premyo» ang mga local government units (LGUs) dito sa jueteng o bookies ni Don Ramon subalit ang sinisiguro ko BOKYA ang mga pulis dito kaya halos lahat ng siyudad at munisipalidad sa Laguna ay nagmamadaling mang-raid sa mga puwesto n’ya. Araguuuyyyyyy! Hak hak hak! Weder-weder lang ‘yan!

Sinabi naman ng mga kosa ko na may binubusog din isi Don Ramon at ang mga ito ay mga malalaking isda. Subalit itong mga nasa ibaba, ay magiging malaking isda rin sa hinaharap na ang unang nasa isip kapag nakapuwesto ay kung paano makabawi kay Don Ramon. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with