^

Punto Mo

Drug war ng pamahalaan, sinusuportahan

RESPONDE - Gus Abelgas - Philstar.com

Dulot marahil ng matinding kampanya laban sa ilegal na droga, marami na sa ating mga kababayan ang namumulat sa kawalang buting dulot nito hindi lamang sa isang indibiduwal kundi maging sa lipunan.

Kaya nga kapag tungkol sa giyera laban sa illegal drugs mas marami na ang umaayon o sumusuporta.

Katunayan nito ang iba’t ibang mga isinagawang survey.

Nauna na nga rito,  na napag-alaman na maraming Pinoy ang sumusuporta sa drug campaign ng pamahalaan.

Ito ay sa kabila ng mga batikos na tinanggap,  partikular   ng mga awtoridad at maging ng gobyerno sa mga human rights group.

Pero lumabas pa rin na mas marami sa ating mga kababayan ang kontento sa drug war ng pamahalaan at ng kapulisan.

Ramdam naman kasi nila, lalu na ang may kinalaman sa peace and order.

Sa isa pang isinagawa at latest survey   ng Social Weather  Stations (SWS) mayorya rin ng Pinoy  ang pumabor sa isinusulong na mandatory drug test sa mga mag-aaral mula Grade 4 pataas.

Ito ay sa kabila naman ng pagtutol dito ng Department of Education (DepEd).

Nasa 51 porsiyento ng 1,500 respondents o 5 mula sa 10 Filipino ang umayon sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug test simula sa nasa Grade 4 pupil.

Mas maraming sumang-ayon sa Visayas sa 69%, sinundan ng Metro Manila, 53%; at Mindanao, 52%. Kaunti naman ang sumuporta sa Luzon sa 41%.

Nagsimula ang panukala sa PDEA dahil na rin sa mga kaso ng pagkakahuli sa ilang estudyante ng ipinagbabawal na gamot.

Ipinaliwanag pa na rin naman umanong dapat ikabahala ang mga magulang dahil mas makakatulong pa nga ito sa kanilang mga anak.

Malalaman nila hangga’t maaga kung naiimpluwensiyahan ba o tuluyan nang gumagamit ang kanilang mga anak.

Sa ganitong paraan agad itong masasagip   bago tuluyang malulong.

Ipinakikita lang nga lahat ng ito na mula’t na ang maraming Pinoy at naniniwala na dapat nang itakwil ang masamang bisyo na ito na sumisira sa maraming buhay.

Marahil nga ay wala namang tututol kapag kapanya sa illegal drugs ang usapan, isa lang naman ang pinangangambahan dito, ang maabuso ang mga operasyon.

Kaya nga dapat ito naman ang matutukan nang husto ng kinauukulan para hindi mabulilyaso.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with