^

Punto Mo

‘Di lang sa Albay may jueteng, sa Caloocan din!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY birthday PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, Sir!

• • •

Hindi lang pala ang jueteng ni alyas Mangga sa probinsiya ni Albay Gov. Al Francis Bichara ang namamayagpag sa ngayon dahil meron din pala sa Caloocan City. Ang kaibahan lang mga kosa, sa Albay hindi gumagalaw si PRO5 director Chief Supt.

Arnel Escobal sa Bicol laban sa jueteng ni Mangga subalit sa Caloocan City, hinuhuli sila ng mga bataan ni Chief Supt. Greg Lim, director ng Northern Police District (NPD) Kung sabagay, maging ang mga rank-and-file ng PRO5 ay naniniwalang hindi na masasawata ang jueteng ni Mangga sa Albay dahil pasok na rito sina Escobal at Sr. Supt. Milo Pagtalunan, PNP provincial director ng Albay at Chief Insp. Ronnie Fabia, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa probinsiya.

Paano kikilos ang mga operating unit ng pulisya sa PRO5 kung walang utos sa mga senior officers nila? Aragguuyyyyy! Kung hindi makakilos sina Escobal, Pagtalunan at Fabia sa jueteng ni Mangga, ang mga bataan kaya ni Dir. Dante Gierran, ng National Bureau of Investigation nakaposas din ang mga kamay?

Sa pagkaalam ko malinis ang pangalan ni Gierran sa illegal gambling subalit ang mga bataan niya kaya sa Bicol, malinis din? Hak hak hak! Matindi talaga ang kapit ni Mangga at Nympha, empleado ni Bichara, na kaakibat niya sa jueteng, ‘di ba mga kosa? Tumpak!

Samantala, ni-raid naman ng mga bataan ni Lim ang jueteng joint na matatagpuan sa Dr. Puno St., Bo. Sta. Rita South sa Barangay 188 sa Caloocan City at naaresto ang 13 katao, karamihang kubrador sa jueteng at lotteng. Ayon kay Insp. Melito Pabon, ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD ang mga naaresto ay nagpakilalang mga ahente ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office subalit wala silang maipakitang identification o authorization mula sa PCSO.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na ginagamit lang ng mga naaresto ang STL para maging front ito ng jueteng, ‘di ba mga kosa? Matagal ko nang ini-expose ang ganitong raket at itong huli ni Pabon ang magpapatunay nito. Get’s n’yo mga kosa? Ang mga naaresto ay sina Florentina Lucero, 63;  Christopher Ong, 27;  Angelina Anastacio, 50; Marilen Aranas, 39; Edilina Doroquez, 54;  Mariechu Concon, 34; Mar Masip, 29; Oscar Aquino, 59;  Jesus Cabigting, 52; Jeric Navarro, 25; Mark Jheedel Casupalan, 27; Aries Coquia, 25, at Romero Cawigan, 66.

Sila ay mga maintainer, manager, operator, kabo, cashier, checker, kubrador, watcher, at personnel ng jueteng. Nakumpiska sa kanila ang mga ebidensiya na ruta o lastillas, booklet ng lotteng, calculator, ballpens at bet money na P3,430. Sa 13 katao na naaresto, malaking gastusin ito para sa nasa likod ng jueteng at lotteng, di ba mga kosa?

Hindi naman binanggit sa report ni Pabon kung sino ang gambling lord na nasa likod ng bookies ng STL o jueteng subalit ang ang authorize agent ng PCSO sa Caloocan City ay si Don Ramon, na nasa likod din ng STL sa kalapit na Quezon City. Hak hak hak! Di ba si Don Ramon din ang may pa STL din sa Laguna na iniisnab ang mga pulis? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Dapat paimbestigahan ng PCSO kung ano ba talaga ang nangyari sa Caloocan City dahil mukhang bino-bookies ang STL nila kaya kokonti ang kubransa na nakararating sa kanila, di ba mga kosa? Kung bino-bookies ang STL sa Caloocan City, hindi nalalayo na ganundin ang ginagawa ng Happy Cool sa southern Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa?

Kaya hindi na nakakabayad ng tinatawagan na Presumptive Monthly Revenue Receipt (PMRR) ang mga authorized agents dahil hindi lahat ng kubransa ay dinideklara nila at imbes bino-bookies ito para mabawi ang milyones na bond nila. Kailan pa kaya magigising ang PCSO at i-review ang alituntunin nila sa STL dahil olats ito at niloloko lang sila ng authorized agents nila? Habang hindi kumikilos ang PCSO, masaya namang ipinagpatuloy ni alyas Mangga ang kanyang jueteng sa Albay. Dapat kayang si Pres.

Digong mismo ang magkumpas ng kamay na bakal niya para kumilos ang PCSO, at sina Escobal, Pagtalunan at Fabia? Hak hak hak! Kawawang President Digong, lahat na lang ng problema ay kailangang siya pa mismo ang gagalaw. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with