^

Punto Mo

Matanda at alagang aso, nakaligtas matapos mawala ng 3 linggo sa kagubatan ng Siberia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG matanda at ang alaga nitong aso ang nagawang mabuhay matapos maligaw at mawala sa masukal na bahagi ng Siberia sa loob ng tatlong linggo.

Tanggap na ng mga kamag-anak ng 65-anyos na si Viktor Vinogradof na maaring wala na ang matanda matapos na hindi ito bumalik mula sa kanyang pag-iikot sa kagubatan kasama ang kanyang alagang aso na si Thor para manguha ng mga kabute.

Sinuyod ng mga awtoridad at ng higit sa 200 volunteers ang malawak na kagubatan ngunit wala silang natagpuang bakas ng matanda o ng alaga nito. Nito lamang nakaraang linggo ay inanunsiyo na ng kanyang anak na si Tatiana na ititigil na nila ang paghahanap sa kanyang ama.

Kaya naman laking gulat ng lahat nang bigla na lang tumawag sa telepono si Vinogradof na nagsabing naghihintay siya at si Thor sa kasunod na bayan ng Kuskun, na 20 kilometro ang layo mula sa huling lugar kung saan siya namataan.

Nawala daw sa kagubatan si Vinogradof at ang kanyang aso matapos nilang ibahin ang kanilang ruta pauwi upang makaiwas sa mga oso na karaniwan sa Siberia.

Nabuhay daw ang matanda sa pamamagitan ng pagkain ng bunga ng halaman samantalang nanghuli naman siya ng daga upang ipakain kay Thor. Nakatagpo rin sila ng abandonadong kubo kung saan may nakita silang mantika na kanilang inunti-unting ininom upang mapagkunan ng lakas.

Matapos ang tatlong linggo, nakatagpo siya ng mga trabahador sa gitna ng kagubatan na hiniraman nila ng cell phone na ipinantawag niya sa kanyang mga kamag-anak.

Ngayon ay nasa maayos nang kalagayan si Vinogradof samantalang si Thor naman ay nagpapalakas sa pamamagitan ng pagkain ng baby food.

vuukle comment

ASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with