^

Punto Mo

Utol (15)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPATULOY sa pagkukuwento si Nanay Luisa kay Gerald. Nagkakapareho ang kuwento ni Nanay Luisa at ng kuwento ng papa ni Gerald ukol kay Catalina. Detalyado nga lang kay Nanay Luisa ang tagpong umuwi si Sir Jaime nang lasing at inasikaso ito ni Catalina. Sa himig ng pagkukuwento ni Nanay Luisa ay mukhang mara­ming naikuwento si Catalina kung paano nagsimula ang relasyon nila ng among lalaki.

“Sabi pa ni Catalina sa akin, hindi raw niya malaman ang gagawin ng mga sandaling iyon na umuwing lasing at basambasa ng ulan si Sir Jaime. Kung pababayaan niya ay baka matulog ito na basa ang damit. Lasing na lasing daw talaga ang papa mo Gerald. Una raw pagkakataon na nakita niyang lasing si Sir Jaime.

“Ayon pa kay Catalina, lakas-loob niyang hinubad ang damit ng iyong papa para mapalitan at nang hindi ito magkasakit. Nahirapan daw siyang hubarin ang polo nito sapagkat malaking lalaki ang iyong papa.

“Nang mahubad ang polo, ang pantalon naman ang dapat hubarin sapagkat basambasa rin. Pikit-mata raw niyang hinubad ang pantalon. Nahubad naman agad iyon. Pero paano ang brief? Basambasa rin ang brief. Hindi niya maisip ang gagawin sa pagkakataong iyon.

“Nagpasya siyang hubarin na ang brief. Kailangang gawin para hindi mababad ang katawan sa basa. Isa pa naramdaman daw ni Catalina na na­nginginig na ang iyong papa sa lamig.

“Dahan-dahan daw niyang ibinaba ang brief. Ayaw daw niyang pagmasdan ang harapan pero hindi maaari sapagkat magkakamali siya sa ginagawa. Hanggang sa maalis niya ang huling saplot. Hindi rin daw siya humihinga’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with