^

Punto Mo

Karahasang may kinalaman sa halalan, dapat matutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kasalukuyan pa lamang na isinasagawa ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa  mga nagnanais na tumakbo sa darating na midterm elections sa susunod na taon pero ramdam na ang tensyon at pagiging mainit ng nalalapit na halalan.

Literal na mainit, kung bakit,  hindi pa man at malayo pa bago ang talagang kampanya, ilan sa mga kandidato o nagnanais na tumakbo ang sunud-sunod na napapatay sa ibat-ibang panig ng bansa partikular sa mga lalawigan.

Yung iba nga hindi na umabot sa pagpa-file ng kanilang kandidatura at nabibilang na sa mga biktima ng karahasan na posibleng may kinalaman sa halalan.

Mistulang sa lokal na posisyon talaga madalas na nagkakaroon ng matinding tensyon kung ikukumpara sa national positions lalu na sa itinuturing na ‘hotspot’ na dapat talagang mabantayan.

Isa sa tinututukan ngayon  ng kapulisan ang sinasabing mga private armies  ng ilang mga kandidato na siyang madalas  na pagsimulan ng gulo.

Dapat ding mabigyan ng pansin ang mga loose firearms na patuloy na nagkalat sa kapuluan at nagagamit sa mga matitinding karahasan.

Matagal - tagal pa ang halalan pero ngayon pa man sa panig ng PNP mahigpit na nilang minomonitor ang seguridad sa mga ‘election hotspot’ sa buong bansa.

Naalarma na rin ang PNP sa sunud-sunod na pagpatay na naganap at nagaganap sa ilang mga kandidato o nagnanais na tumakbo sa eleksyon kaya nga naglaan na rin sila ng karagdagang seguridad para mapaigting ang kanilang operasyon.

Plano nilang i-activate ang Special Operation Task Force na susubaybay sa police operations lalu na sa election related incidents.

Ilang lugar na ang natukoy na  Election Watchlist Area (EWA) kabiang dito ang Masbate, Lanao del Sur, Zamboanga, La Union at Abra.Posible pa itong maragdagan sa mga susunod na araw.

Habang 72 armadong grupo ang kanilang sinusubaybayan at minomonitor bukod pa nga ang loose firearms at mga gun for hire group.

Mukhang ito na yata ang mukha ng halalan sa bansa, na sana naman ay huwag nang madagdagan pa ang magbubuwis ng buhay sa mga darating na araw hanggang sa muling mairaos ang halalan.

Kasi nga kung ang mga politiko, nagkakagulo,ano pa ang aasahan ng mga botante na mataniman ng takot sa kanilang isipan.

Patuloy tayong susubaybay sa mga susunod na kaganapan at sa mga aksyong gagawin pa ng ating kapulisan para sa mapayapang halalan.

vuukle comment

FILING NG CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with