^

Punto Mo

Utol (12)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABABA ang tinig ni Gerald nang muling tanungin si Nanay Luisa ukol sa maid na nakasama nito noon sa kanilang bahay. Nahalata kasi niya na parang atubili si Nanay Luisa sa pagsagot.

‘‘Ano pong pangalan ng magandang maid, Nanay Luisa ?’’

“Catalina. Catalina Torres.’’

“Talaga po bang maganda siya, Nanay?’’

‘‘Oo.’’

‘‘Gaano mo po siya katagal nakasama bilang maid dito sa bahay?’’

Nag-isip ang matanda. Nagkuwenta sa isip.

“Kung hindi ako nagkakamali ay mga limang taon ko siyang nakasama rito.’’

“Malaki po ba ang ka­unahan mo kaysa sa kanya, Nanay?’’

“Oo. Ako ang orihinal na katulong ng papa at mama mo. Kakakasal pa lamang nila ay ako na ang katulong dito. Ipinasok akong katulong ng aking ama na isa ring tauhan sa niyugan ng papa mo. Malaki ang niyugan ninyo noon. Ang ama ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan sa koprahan ng iyong papa. Nang magkasakit ang aking ama, kinuha akong katulong. Ako lahat ang gumagawa rito.’’

“Kailan po dumating dito si Catalina?’’

“Dumating siya noong panahon na laging naoospital ang mama mo. Kailangan ko ng makakatulong dito sa bahay. Si Catalina ang naglilinis ng bahay at naglalaba. Ako naman ay nagluluto at nag-aasikaso kay Mama mo.’’

“Mga ilang taon po si Catalina nang dumating dito?’’

Nag-isip si Nanay Luisa.

‘‘Palagay ko mga 19 o 20-anyos siya noon. Napakaganda niya.’’

“Sino po ang nagpasok  sa kanya rito, Nanay?’’

“Sa pagkaalam ko e anak siya ng isang trabahador sa rice mill.’’

Napatangu-tango si Gerald.

Napahinga nang malalim.

‘‘Ano po ang dahilan at umalis dito si Catalina. Nanay?’’

Muli hindi nakasagot agad si Nanay Luisa. Nagbantulot muli. Tila ba may pag-aalala kung sasagot sa tanong ni Gerald.

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with