^

Punto Mo

Dutdutan sa NAIA T2

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

IDINUTDOT sa pagmu -mukha ng screening security officer ng Office of the Transportation Security ng DOTr sa NAIA Terminal 2 final check in ang hawak na ‘identification card’ ni OFW partylist Rep. Aniceto Bertiz ng magalit ito sa pobreng alindahaw matapos makuhanan sa CCTV footage ang ginawa ng huli.

Masiadong nagiging kontrobersyal nitong mga huling araw si Bertiz sa kanyang mga pinaggagawa.

Naku ha!

Ano ba ito?

Alam kaya ni Bertiz ang ginawa niyang paglabag sa NAIA sa hindi pagtatanggal o paghu-hubad ng kanyang sapatos?

Buti na lamang at walang kinatawan ng International Civil Aviation Organization ng mga oras na yon dahil kung nakita nito ang ginawa ni Bertiz malamang bumagsak ang grado ng NAIA.

Ang ICAO, ang siyang nagiinpeksyon sa paliparan at ito rin ang nagdi-dikta ng gradong pang-seguridad ng paliparan.

Kambiyo issue, dapat paimbestigahan ni Bertiz kung sino at papaano nai-post sa social media ang pangyayari.

Nagtataka ang mga airport observers dahil super bilis ang pagkalat sa social media sa ginawang pagdudutdot ng ID sa mukha ng screening security officer ni Betriz.

‘Sa totoo lang hindi dapat nai-upload sa social media ito kasi nga wala pa itong security clearance.’

Ika nga, paano nangyari ito?

Humingi ng sorry si Bertiz sa kaniyang inasal sa NAIA.

Sinasabing nilapitan ni Bertiz ang taga - OTS dahil nakita niyang pinalagpas sa checkpoint ang ilang “Chinese-looking passengers,” na mayroong diumano’y kasamang airport staff  at hindi man lang pinagtanggal ng sapatos o kinapkapan ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Sa video walang ipinakitang mga foreigners na dehins sumusunod sa security protocol.

Sabi nga, hindi kumpleto at video na ipinakita sa social media ?

Inaantay ng pamunuan ng MIAA ang ginagawang imbestigasyon sa pangyayari para malaman ang actual video footage.

Mag-file kaya ng reklamo sa House Ethics Committee ang OTS na dinuldulan sa mukha ng ID ni Bertiz ?

Pangalwang beses na humingi nang sorry si Betriz dahil kamakailan na involved sa isang kontrobersyal nang mag - joke, joke ito sa oath-taking ng mga engineer na nakapasa sa board examination.

Sinabi ni Betriz na hindi makakukuha ng Professional Regulatory Commission licenses ang mga hindi nakakakilala kay Presidential Special Assistant Bong Go.

vuukle comment

ANICETO BERTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with