^

Punto Mo

EPD director Bernabe Balba, general na!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS kay Sr. Supt. Bernabe Balba, director ng Eastern Police District (EPD) sa kanyang promotion bilang Chief Superintendent o general. Bukas ang donning of the ranks nina Balba, PNP spokesman Bong Durana, Jun Azurin at iba pa sa Camp Crame. Nakakatuwa rin at na-promote na si Balba na halos tatlong buwan ding namuno sa EPD at makikita naman na puro trabaho lang siya. Si Balba ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘88 at mabuti’t napansin ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang kakayahan niya bilang lider. Nakasama ko si Balba noon pang nasa poder pa siya ni Sen. Ping Lacson sa PAOCTF, bilang intelligence chief of Quezon City Police District at Cubao police station commander. Napunta rin ito sa PRO2 bilang deputy for operations bago bumaba sa EPD kung saan napuna siya ni Albayalde, noong hepe pa ang huli ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Hak hak hak! Dapat may katumbas na blowout na ito ah! Get’s n’yo mga kosa?

Subalit bago s’ya ma-promote, nai-launch ni Balba noong Lunes ang tinatawag na EPD Official Website na may Domain name na @ epd-pnp-org para hindi na mahirapan ang mga residente ng PAMAMARISAN o Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan para magreport ng krimen. Isang pindot lang ng mga residente ng kanilang gadget o laptop at presto...makakarating na kay Balba ang problema o hinaing nila. Alam naman ni Balba na sa panahon sa ngayon, maraming pagsubok o makabagong pamamaraan ang ginagamit ng mga kriminal para makapambiktima kaya kailangang maging alerto at makabago rin ang estilo ng mga pulis natin para maaresto o mapigil ang mga ito. Kaya dahil sa panahon ng hi-tech gadgets sa ngayon, gagamitin ito ng liderato ng EPD para masugpo ang kriminalidad o terrorism sa sakop nila sa tulong ng sambayanan. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, dito kasi sa eastern Metro Manila mga kosa halos magkamag-anak o magkakilala ang mga residente kaya’t kokonti ang bilang ng mga kaso rito, lalo na sa siyudad ni San Juan Mayor Guia Gomez. Kaya medyo nalagay sa alanganin si Sr. Supt. Dindo Reyes, hepe ng pulisya sa San Juan, dahil kapag may kasong saksakan lang, aba malaking dagok na ito sa record niya sa NCRPO. Subalit sa sipag at tiyaga ni Reyes, mukhang hindi na kulelat ang San Juan sa accomplishment sa NCRPO, di ba Dir. Guillermo Eleazar Sr? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba Merpo prexy Allan Rainier Ronda Sir?

Hindi lang naman ang mga kriminal at terorista ang target nitong website ng EPD kundi para rin pulsuhan ang komunidad. Dito kasi sa website ay may tinatawag na butones na “e-Report” kung saan isang pindot mo lang ay puwede mo ilahad ang mga suhestiyon mo kung paano mapaunlad pa ang trabaho ng mga pulis sa EPD. Hindi lang ‘yan! Hinikayat din ni Balba ang rank and file na ugaliing mag-monitor sa website nila dahil sa dun nila makikita ang mga bagong alituntunin ng EPD leadership tulad ng memorandum at iba pa tungo sa pagiging professional, dedicated at disciplined police district sila ng NCRPO. Hak hak hak! May punto si Balba dito ah, di ba mga kosa?

Sinabi pa ni Balba na dito din sa EPD website matutunghayan ng mga residente ang mga impormasyon, lalo na ang plans and programs ng distrito at iba pa nitong units. Malakas din ang paniniwala ni Balba na lalong lalakas ang kampanya ng EPD sa internal cleansing kapag katulong nila ang sambayanan na gagamit ng kanilang website. Kung sabagay, noon pa ipinagyayabang ng PNP leadership natin na mabilis at madali lang sugpuin ang kriminalidad, lalo na sa pet project ni Pres. Digong na war vs illegal drugs, kapag nakipagtulungan ang mga Pinoy, di ba mga kosa? At ipinangako ni Balba na magiging confidential ang lahat ng report ng mga residente sa eastern Metro Manila tungkol sa droga, krimen, terorista at iba pang krimen para maiwasan na benggahin sila ng mga natamaan ng report nila. Hak hak hak! Kailan kaya ang blowout nito? Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with