^

Punto Mo

Western Union, strike 4 na kayo sa BITAG-Kilos Pronto!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BUKOD sa hirap ng trabaho at abusadong mga amo, dagdag pa sa problemang kinakaharap ng mga kababayan nating OFW ang mga palpak na money remittance company sa bansa.

Ganyan ang reklamong idinulog ng isang Ginang sa aming tanggapan. Ang padala kasi ng Mister niyang OFW, hindi niya makuha-kuha.

Kuwento ni Misis, August 11 raw nang magpadala ang kanyang asawa sa Western Union mula sa East Timor ng halagang P16,000.

Nang kukuhanin niya na ang pera, sinabihan siya na maghintay muna dahil “on-process” pa raw ito. Subalit matapos ang dalawang oras na paghihintay, bigla siyang sinabihan ng putok sa buhong staff na may iba nang kumubra ng padala! Paano nangyari ‘yun?!

Para mabigyang linaw ang problema, tinawagan namin ang Western Union sa pamamagitan ng kanilang customer service relation. ‘Yun nga lang, wala kaming nakuhang aksyon mula sa kanila. Ang gusto ng mga ito, kunin lang ang detalye ng sumbong at paghintayin ang mga nagrereklamo. Nalintikan na lalo!

Dahil wala naman kaming nahita sa kanila, dumiretso na kami sa tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Tugon nila, papuntahin sa kanilang opisina ang Ginang para personal na makausap ang biktima.

Hiningi rin namin ang opinyon ng aming resident lawyer na si Atty. Batas Mauricio. Ayon sa kanya, dapat ay government ID lamang ang tinatanggap ng mga money remittance center sa  pag-claim ng pera. Ito ay para malaman na lehitimo at awtorisadong tao nga ang kumukuha ng padala.

Iminungkahi rin niya na padalhan ng demand letter ang Western Union para mapa­bilis ang pagresolba nila sa kanilang obligasyon sa kliyente.

Ito ang problema sa mga money remittance com­pany, hindi na nga maayos ang proseso ‘di pa nakikipagtulungan sa pagresolba ng kaso. ‘Di ko makakali­mutan nung minsan kong kumprontahin ang isang manager ng Western Union sa Q-Mart. Sagot lang niya sa mga tao, “Hindi na­man kami malulugi kahit kanino pa kayo magrekla­mo.” Tingnan mo pananaw ng mga ito, once a dorobo, always a dorobo!

Western Union, baka nakakalimutan n’yo, hindi lang ito ang unang beses na inireklamo kayo. Strike 4 na kayo, kaya markado na kayo sa BITAG-Kilos Pronto!

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with