^

Punto Mo

Lalaki sa India, mag-isang kinukumpuni ang mga lubak sa kalsada matapos mamatayan ng anak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GAMIT ang sariling pala at panambak, mag-isang ginagawa ni Dadarao Bilhore ang sana’y trabaho ng pamahalaan sa India: ang pagkukumpuni ng mga lubak sa kalsada.

Ginagawa ni Bilhore bilang paggunita sa kanyang anak na si Prakash Bilhore na binawian ng buhay noong 2015 sa murang edad na 16 dahil sa isang aksidente na dulot ng mga lubak sa kalsada.

Libu-libo ang namamatay sa India taun-taon mula sa mga aksidenteng dulot ng lubak-lubak na kalsada  kaya nang mamatayan ng anak ang 48-anyos na vegetable vendor, ipinasya niya na siya na mismo ang gagawa ng solusyon sa problema.

Kumukuha si Bilhore ng mga tira-tirang buhangin at graba sa mga construction site upang gamiting panambak sa mga lubak sa kalsada. Tinataya niyang nasa 600 na ang mga lubak na ang kanyang natakpan mula nang simulan ang krusada sa mga lubak-lubak na kalsada sa Mumbai.

Ginagawa niya raw ang lahat ng ito hindi lamang para gunitain ang alaala ng kanyang namayapang anak kundi pati na rin upang makapagligtas ng buhay. Ayon kay Bilhore, ayaw niyang maranasan ng iba ang mawalan ng mahal sa buhay dahil lamang sa aksidenteng dulot ng mga lubak sa kalsada.

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with