^

Punto Mo

Tanim na gulay sa sariling bahay

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KUNG tutuusin, hindi naman masama ang panukala kamakailan ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan na magtanim na lang ang mga mamamayan ng mga gulay sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa mga reklamo sa pagtaas ng presyo ng mga pananim na ito. Nabatikos siya dahil na rin marahil sa paraan ng pananalita niya na hindi naintindihan nang ilan at hindi naman lahat ng mga mamamayan ay may sariling bakuran o hardin o espasyo sa kanilang mga bahay na maaaring pagtamnan ng gulay. Paano iyong mga umuupa lang ng kuwarto? Paano iyong mga maliit lang ang bahay at walang sariling bakuran o kung may bakuran man ay napakakitid para malugaran ng mga pananim na gulay? Lalo na sa sitwasyon ng mga informal settler o iskuwater?

Matagal na ring iminumungkahi at itinataguyod nang maraming personalidad, institusyon, organisasyon at maging ng pamahalaan sa mga mamamayan sa nagdaang mga dekada ang pagtatanim ng mga halaman o gulay sa sarili nilang mga bakuran o tahanan.  Kung walang bakuran, puwede pa rin naman itong gawin sa loob ng bahay. May mga teknolohiya na namang magagamit para maisagawa ito tulad ng tinatawag na  hydrophonic o indoor farming. Marami nang impormasyon hinggil dito ang maaaring makuha sa internet o maaaring magtanong sa mga taong nakakaalam o may karanasan dito.  Maaaring madaling sabihin  pero mahirap gawin pero may mga tao na nakakagawa na nito. 

Matagal nang may napapaulat nang mga kuwento ng ilang mga tao na may sariling mga tanim na gulay  sa kanilang mga bakuran o hardin para sa araw-araw nilang pagkain tulad ng sitaw, kamatis, okra, kalabasa, sili, petsay, sibuyas, talong at iba pa. Kapag may sobra, ipinamimigay nila o ibinebenta nila.

Gayunman, dahil nga magkakaiba ang sitwasyon ng bawat indibidwal o pamilya, hindi nga naman madaling matupad ang mungkahing pagtatanim ng gulay.  Idagdag nang maaaring walang makakaasikasong mabuti sa pagtatanim at pag-aalaga ng halaman kung abala sa ibang bagay ang  bawat miyembro ng isang pamilya.  Pero, dahil nga may mga teknolohiya nang tumutugon sa tinatawag na indoor farming, maaaring makatulong ito o may hanap pang paraan para matugunan ang kawalan ng espasyo para sa pagtatanim ng gulay.

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa email address na [email protected])

vuukle comment

BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with