^

Punto Mo

Prayoridad sa road projects!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sangkaterba ang ginagawang mga road at drainage projects/repairs sa iba’t ibang lugar sa lungsod Quezon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Milyun-milyon ang budget na makikita mo sa kabi-kabilang karatula na ikinakabit nila.

Pero ang masaklap dito, marami ang nagtataka kung paano raw ba binibigyang prayoridad ng naturang ahensya ang kanilang mga ginagawang proyekto.

May nakakapansin kasi na mukhang ang mga lugar na ginagawa ay ‘yun at ‘yun din at hindi nabibigyan ng kaukulang pansin kung anong lugar o kalsada ba ang talagang nangangailangan na maisaayos o maitaas man lang o mapaganda ang drainage system dahil laging binabaha.

Ang lalaki ng mga nakahilerang concrete convert sa may Balete Drive sa Brgy. Mariana na kamakailan lamang yata ay nagkaroon na rito ng repair. Napakataas na ng lugar na ito at malamang kahit anong lakas ng ulan hindi ito babahain.

Sa mga side street sa may E. Rodriguez Sr., halos lahat dyan  ay nagawa na, isa na lang yata ang naiiwan at hindi nabibigyan ng pansin.

Ang Ilang-ilang Street  na grabe kung bumaha dahil lahat ng tubig na mula sa itaas ay dito tumutuloy kaya ang St. na ito ang sumasalo ng lahat ng tubig lalu na kapag umapaw na ang hindi maayos-ayos na creek.

Sigaw nga ng mga residente rito, pare-pareho rin naman na nagbabayad ng tamang buwis pero mistulang nakakalimutan at pinagwawalang bahala ang kanilang lugar.

Iba ang tinitignan sa tinititigan!

Matagal nang idinadaing ng mga residente ang problema sa St. na ito, pero walang pumapansin.

May ibang kalye nga dyan sa Mariana na pribado naman yata dahil may gate, pero nagagawang pagandahin at base sa itinayong karatula hindi ito proyekto ng QC government kundi ng DPWH.

Hindi lang yan, may iba pang kalsada dyan kagagawa pa lang , ayun binabakbak na naman at gagawin uli.

Paki silip nga po ito, SAP Bong Go !

vuukle comment

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with