^

Punto Mo

Matandang Tinali (188)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKITA ni Dragon ang kubo ni Joy. Natuwa siya. Hindi niya alam kung narito pa sa kubo si Joy. Pero kung narito, siya na mismo ang magdadala kay Bossing. Bibitbitin niya si Joy at ihahandog kay Bossing. Tiyak na matutuwa si Bossing sa gagawin niya.

Malakas naman ang kutob niya na hindi nagawa ni Dolfo ang utos. Kung nagawa ang utos ni Bossing, e ‘di sana nadala na si Joy sa hideout. Maaaring may nangyari kay Dolfo.

Marahang lumakad si Dragon palapit sa kubo. Kailangang maging mai-ngat siya at baka matunugan siya kung sinuman ang nasa kubo. Sa dakong likod ng kubo siya nagdaan. Kung may tao man sa kubo, hindi siya gaanong mapapansin.

Malapit na siya sa kubo nang may mapansin siya sa dinadaanan. Tumigil siya at nakiramdam.

Pinagmasdan ang tinatapakan. Sariwa ang lupa at may mga damo na halatang inilipat lang.

Yumuko siya at sinubukang kagkagin ang sariwang lupa. Nakapatong lang ang lupa! Hanggang lumantad ang hukay! Yun ang hukay na ginawa ni Dong.

Napangiti si Dragon. Muntik na siya! Kung humakbang pa siya, hulog siya sa hukay at maaaring hindi na siya makaahon. Mahuhuli siya ng kung sinuman ang naghanda ng hukay na patibong.

Naisip niya, maaa-ring nabitag si Dolfo ng hukay kaya hindi na ito nagre-report kay Bossing Joemari. Nahuli si Dolfo at kumanta na! ‘Yun ang kutob niya.

Dahan-dahan siyang humakbang. Ingat na ingat at baka madale siya ng patibong.

Hanggang sa makalapit siya ng tuluyan sa kubo.

Binutas niya ang dingding na kawayan para masilip ang loob.

Wala nang tao! Wala na si Joy!

Nalaman na nito ang planong pagkidnap!

Nagmamadaling umalis si Dragon. Kailangang makita niya kung nasaan si Joy at ang nobyo nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with