^

Punto Mo

26 pakwan hinati sa tiyan ng lalaki sa loob lang ng 1 minuto

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa New York ang nagtala ng bagong world record para sa pinakamaraming pakwan na nahati habang nakapatong sa kanyang tiyan sa loob ng 1 minuto.

Dalawampu’t anim na pakwan ang nagawang hatiin ni Ashrita Furman gamit ang malaking kutsilyo.

Dalawampung pakwan lang ang kailangang hatiin ni Furman sa kanyang tiyan upang ituring na bagong world record ngunit nagawa niya itong 26.

Si Furman ang kauna-unahang gumawa ng nasabing stunt para sa pagtatala ng bagong world record. Ito ang pinakabagong world record ni Furman, na 35 taon nang nagtatala ng iba’t ibang world records.

Masaya naman si Furman hindi lamang dahil nagawa niyang makapagtala ng bagong world record kundi pati na rin dahil ligtas siya sa kabila ng peligro ng  stunt na ginawa.

Si Ashrita Furman habang hinahati ang pakwan na nasa kanyang tiyan.

vuukle comment

PAKWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with