^

Punto Mo

Walang kamatayang assume balance scam

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

DAHIL sa hirap ng transportasyon sa Pinas, marami sa mga Pilipino ang naghahangad na magkaroon ng sariling sasakyan. Sa panahon ngayon, madali na lang ang makakuha nito sa pamamagitan ng bank financing o car loan.

Pero paalala ng Bitag-Kilos Pronto sa mga nagka-car loan, siguruhin lamang na kayang panagutan ang responsibilidad ng buwan-buwang pagbabayad. Dahil kung hindi, malaking problema ang idudulot nito sa inyo.

Katulad na lamang ng reklamo nina Dina Gultiano at Haydee Advincula. Kapwa biktima ng walang kamatayang assume ba-lance scam.

Kapareho ng ibang reklamo, iisa ang estilo ng panloloko sa dalawa. Aalukin ng dorobo na saluhin ang sasakyan at aakuin ang pagbabayad sa banko. Change of ownership, ‘yun nga lang verbal talk lang at walang kasulatan.

Pero pagdating sa oras ng bayaran, maglalaho na parang bula ang mga kawatan tangay ang pinasalong sasakyan. Ang ending, ikaw pa rin ang hahabulin at sisingilin ng banko.

Inilapit namin kay NCRPO chief Guillermo Eleazar ang naturang reklamo para malaman kung ano ang dapat gawin at kung ano ang maitutulong nila ukol dito. Paglilinaw ni Eleazar, hindi tama ang pag-bypass sa banko sa ginawang transaksiyon.

Gayon pa man, payo nila na papuntahin sa tanggapan ng PNP ang mga biktima para matulungan sila na maipaalarma ang sasakyan at mahabol ang mga dorobong nanloko sa kanila. Sinamahan din namin ang mga biktima sa Crime Investigation and Detection Group (CIDG) para magsampa ng kaukulang kaso.

Iba’t ibang klase ng modus na ang nagsusulputan at naglalabasan ngayon, magkakaiba ang estilo pero iisa ang hangarin ng mga dorobo. ‘Yun ay ang maka-lamang sa kapwa tao. Hangga’t may nagpapaloko, patuloy ang pagdami ng mga manloloko.

Kaya payo ng Bitag-KP sa publiko, maging alisto, matalino at mausisa sa lahat ng bagay. Tulad ng palagi kong sinasabi, if it’s too good to be true malamang modus ‘yan!

Para sa iba pang tips kung paano makakaiwas sa mga nagkalat na modus, maari niyong bisitahin ang aming website na bitagmedia.com at pumunta sa modus buster page. Dito isa-isa naming hinuhubaran ang bawat modus at isinisiwalat ang kanilang mga estilo.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with