^

Punto Mo

Pulis-pulisan huli ng totoong pulis

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NASUNGKIT ng matitinong pulis ang isang sibak na foolish cop, dating agent ng PDEA, isang traffic kotong enforcer ng MMDA at isa pang kosa nila sa diumano’y kidnapping at carnapping ng dalawang tsekwa sa Kyusi matapos silang iharap sa mga mamamahayag, yesterday.

Sinasaluduhan natin ang PNP sa ginawang pagdakma sa mga suspects na sina dismissed PO1 Mark Anthony Roque, dating taga-PNP Crime Laboratory; Arnold Camayang, dating PDEA; Alvin Jay Roque, ng MMDA at Christian John Talaue, isang civilian.

Ibinida ni CPNP Oscar Albayalde, na nagpakilalang mga baboy este mali pigoy pala sina Mark at Arnold ng harangin nito ang sasakyan ng mga biktima sa isang gasolinahan sa Kyusi.

Pinosasan nila ang mga takot na tsekwa at inilipat sa ibang sasakyan. 

Hinihingan ng mga gago ng P3 million ang mga biktima pero naibaba ito sa P300,000.

Ika nga, tumawad!

Bukod sa pitsa tinira pa ng mga suspects ang apat pang sasakyan ng mga tsekwa.

Nakita ang tirahan sa CCTV camera matapos magsumbong ang mga ito sa pulisya.

Katakut-takot na kaso ang isasampa sa apat.

Abangan.

• • • • • •

Resto-bangketa sa Matapang Street

Magkano kaya ang kinikita ng barangay o panlagay sa mga resto - bangketa food stalls at sa xerox copier dyan sa Matapang Street corner East Avenue, Kyusi ? Take note, QC Mayor Bistek Bautista, Your Honor.

‘Daily kaya, weekly o monthly kaya ang abutan blues ng salapi dito?’

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kung walang perang usapan dito imposibleng payagan ang mga resto - bangketa food stalls sa bangketa ng Matapang St., dyan sa kanto ng East Avenue, dahil alam ng barangay na bawal dahil nga, ang sidewalk ay lakaran ng tao at hindi tirikan ng mga resto - bangketa food stalls at xerox copier machines. Take note, DILG Secretary Ed Ano, Your Honor!

Malinis kaya ang mga kagamitang ginagamit sa kainan sa pinag-uusapan natin resto-bangketa dahil mukhang walang gripo o tubig sa mga tindahan na parang tren sa bangketa. Tiyak nasa mga water plastic container sila kumukuha ng panghugas sa mga pinggan, kutsara, tinidor at baso na ginagamit ng mga eating customers.

Ika nga, paano ang drinking water?

Isa pang problemang kailangan makalkal ay kung kaninong bulsa napupunta ang binabayad ng mga may-ari ng resto - bangketa food stalls at xerox copier machines na doing business sa nasabing lugar.

Imposibleng hindi alam ng barangay ang nangyayari dito? Take note, DILG Usec Martin Dino, Your Honor!

Saan kaya kumukuha ng ilaw ang mga may-ari sa resto-bangketa at xerox copier machines?

‘Siempre sa kable ng MERALCO post.’

Sabi nga, jumper?

Abangan.

 

vuukle comment

PULIS-PULISAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with