^

Punto Mo

Ibig sabihin ng Wi-Fi?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAGING pamilyar na bahagi na nang buhay ng  maraming tao ang Wi-Fi. Ito ang sagot sa kawalan ng landline kung kailangan mong magbukas ng internet. Nasa bahay ka  man, nasa labas, sa opisina, bumibiyahe, patuloy na konektado ka sa mundo ng cyber space sa tulong ng mga gadget  na tulad  ng smartphone at laptop o iPad.

Pero bakit siya tinawag na Wi-Fi? Ano ang kahulugan ng salitang ito?

Ayon sa WebSpot ng Digital Marketing Analyst na si Manuel Rozewski, mali ang palagay ng iba na Wireless Fidelity ang kahulugan ng Wi-Fi.  Ang Wi-Fi anya ay isang logo at trademark lamang ng Wi-Fi Alliance na binuo noong 1999 nang walang dagdag na kahulugan.  Nililikha ang brand name para makintal sa isip ng mga konsyumer ang isang produkto at ang produkto ang kahulugan nito.             

Madali kasing matandaan ang Wi-Fi at takbo ng mga letra nito na katulad ng hi-fi na ang ibig sabihin ay “High Fidelity.” Ang kuneksyon ng Wi-Fi at hi-fi ay hindi nangangahulugan na “Fidelity” na ang ibig sabihin ng “fi.”

Pagkatapos gamitin ng Wi-Fi Alliance ang pangalan at logo nito, hindi naman nila ito itinu-ring na  daglat o pinaikling bersiyon ng isang salita. Simpleng wala lang silang paliwanag dito. Basta hindi ito isang acronym.

Samantala, ang Wi-Fi ay gumagamit ng radio waves na isang porma ng electromagnetic radiation na  kinabibilangan ng gamma rays, x-ray, ultraviolet, visible light, infrared, microwaves at radio waves.

Nagsimula sa Hawaii ang Wi-Fi noong 1979. Ang naunang teknolohiya rito ay tinatawag pang ALOHA.net, isang computer networking system na nagpahintulot sa unang  public demonstration ng isang wireless packet data network.

Mas mahina ang signal ng WiFi sa Europe kaysa sa United States dahil  ang mga awtoridad sa U.S. ay nagpapahintulot ng transmission sa higher power output kaysa sa Europe.

vuukle comment

WI-FI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with